Chapter 43: Fine

3.7K 94 1
                                    

Snow's POV



"Kailan kaya siya magigising?"

"Doctor ba ako? Hintay na lang kaya natin noh?"

Nagising ako sa ingay. Kilala ko ang boses na yun. Ang nakakairita na boses na yun,

"Sinabi ko bang doctor ka? Tse!"

"Tatanong tanong ka kasi paulit ulit! Akala mo naman ako yung doktor!"

Di ako makamulat sa bigat ng mga mata ko. Pilit ko rin na ginagalaw ang katawan ko pero masakit. Kahit konting move lang ang sakit na.

"Hey guys, stop fighting! Let's just wait for her to wake up okay?"

"Eh kasi to kuya bullet eh!"

Kuya bullet? Ah. Si jade at sam ang nag aaway kanina, at ang sumuway sa kanila ay si kuya bullet.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi, diko alam kung hallucination ko lang ba na nakita ko si kuya bullet at ate shane na umiiyak at humihingi ng tulong nun,

Pinipilit ko pa rin na imulat ang mga mata ko, medyo mahirap dahil pati yata mga mata ko napagod.

"Si summer? How is she?" boses ni kuya bullet.

Summer? Bakit? May nangyari ba kay summer?

"She's okay now. Makakalabas na daw siya bukas. Gusto na nga niya bumisita dito kaso di pa siya muna pinapayagan nila tita." narinig kong sabi ni sam.

Oo nga pala! Nakita ko rin si summer na tumakbo sakin nun at diko na alam pero parang dumagan siya sakin nun.

Bigla akong napamulat, nasilaw pa ako sa ilaw kaya napapikit pikit pa muna ako. Pinilit ko rin na maupo kaso diko pa talaga kaya, "Aray," daing ko.

Bigla naman silang natigilan lahat at napatingin sakin na nanlalaki ang mata. Si sam at jade napa amang pa, at halatang di makapaniwala na gising na ako. Ilang oras na ba akong tulog? Pakiramdam ko di pa naman umaabot ng isang araw na tulog ako, kung makareact naman tong mga to. Tsk.

"S-s-snow. My sister! Snow!" unang naka recover si kuya sa pagkagulat kaya una siyang nakapag react at niyakap agad ako.

"Ouch kuya, masakit." daing ko na naman. Masyado kasing mahigpit ang yakap niya, eh masakit pa nga katawan ko.

"I-im sorry sis." naiiyak niyang sabi. "Oh, kayong dalawa? Anong ginagawa niyo? Tumawag kayo ng doktor dali!" sabi ni kuya kila sam at jade.

Unang nakapag react si sam at dali daling tumawag ng doktor. Si jade naman, gulat pa rin at umiiyak na papalapit sakin. At tulad ni kuya, yumakap din siya sakin.

"Finally, you're awake now pre. You really had us so fucking worried!" umiiyak na sabi niya. Napangiti na lang ako,

"Im sorry napag alala ko kayo," medyo nahihirapan ako magsalita kaya medyo papaos paos ako.

"Okay lang sis, atleast okay ka na. I mean, gising ka na. Thank God!" masayang sabi ni kuya.

Maya maya lang dumating na rin si sam, kasama ang doktor at isang nurse.

"Kuya, tulungan mo naman ako maupo oh," bulong ko kay kuya.

Tumalima naman siya agad at inadjust ang kama ko. Na parang nakaupo ako, its better than this. Masakit pa kasi talaga kahit likod ko. Medyo nahihirapan rin ako huminga pero naka oxygen naman ako kaya keri lang.

"How are you feeling Ms. Kent?" tanong nung doktor.

"Not fine doc. My body aches so much, so does my head, I can't even flinch."

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon