Chapter 33: Monthsary

4.7K 121 5
                                    

Snow's POV

Ilang araw na ang nagdaan simula nung natapos ang school games, at nanalo naman kami laban sa Riyen Academy. Sobrang dikit ng laban at muntikan na kami di nanalo, pero buti naman at nanalo kami. Himala yata ang nangyari, haha.

Simula nung nanalo kami, mas lalo ng naging maingay ang pangalan ko sa school. Naging mas lalong naging famous, okay lang naman sakin pero madalas hindi. Pano ba naman, minsan nagagalit na sakin si summer dahil umuuwi ako ng may mga love letters, flowers, teddy bears at iba pa.

Diko naman pwedeng itapon kaya tinatago ko na lang sa condo, sa storage room namin don dun ko lahat tinatago. Yung mga flowers naman, pinapadala ko sa mansion at pinapadagdag ko sa garden. Mga chocolates naman, kinakain namin nila jade.

"Oh pre, anong atin?" tanong ni jade. Andito kami ngayon sa bar ni jace at kasama ko ang barkada. 

"Kailangan ko ng tulong niyo."

"Bakit?"

"Tomorrow is our special day."

"Woah, monthsary niyo ni summer? Ang bilis ah." -jace

"Kaya nga eh, sobrang bilis ng araw." sabi ko.

"Ano bang tulong ang gagawin namin?" -anne

"Ganto,"

----

Summer's POV

"Good morning world!" masayang bati ko pagbaba ko ng hagdan namin. Nadatnan ko ang buong pamilya ko na naghihintay sakin sa hapag kainan.

Ngiting ngiti ako na pumunta sa hapagkainan. Hinalikan sila sa pisngi lahat at masaya na naupo sa pwesto ko.

"Masaya yata ang baby girl namin ah?" sabi ni dad.

"Anong meron sis at ang saya mo?" tanong ni kuya.

Ngumiti muna ako ng malapad sa kanila bago nagsalita, "Well, its our first monthsary ni snow."

"Wow, congrats sis!" bati ni ate.

"Congratulations iha," bati rin ni mom sakin.

"Anong plano niyo ni snow ngayon?" -snow

"Wala pa ngang text sakin eh. Napuyat yata, and we dont have a plan today. We've been both busy this month, so wala pa."

"Ganon? I know snow. Mukang may balak yun ngayon kaya di pa rin nagpaparamdam sayo, ganyan na ganyan si bullet." sabi ni ate na kinikilig kilig pa.

"I hope ate." sabi ko naman.

Masaya kaming kumain ng umagahan. Natapos na ang pagkain namin, at nakaligo na rin ako pero wala pa ring text o call galing kay snow. Nagtext na ako sa kanya kanina at binati ko siya, pero siya wala pa.

Nagsisimula na akong malungkot. Hays. Naupo na lang ako sa sofa at nanonood. Katabi ko si ate at kuya na nanonood din. Kdrama yata to, while you were sleeping ang pamagat, bida si lee jong suk yata yun, yung bida din sa pinocchio.

Si kuya kasi at si ate yan ang bonding nilang dalawa ang panonood ng kdrama. Kapag may time sila at walang pasok sa opisina, nanonood sila ng ganyan na dalawa.

Nanonood lang din ako ng marinig kong mag ring ang cellphone ko. Excited kong kinuha ito at sinagot.

"Yes snow?" masayang sabi ko.

"A-ah summer. Si s-snow. May nangyaring masama sa kanya, please be here at our condo. Kailangan ka niya," humahangos na sabi ni jade.

Di na ako nakapagsalita pa at agad agad na nagsuot ng sapatos at kinuha agad ang susi ni kuya. Wala nakong pake kung magalit man siya basta makarating agad ako sa kanila, oh my god, monthsary pa man din namin tapos. Jusko, wala sanang mangyaring masama sa kanya God please.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon