Chapter 24: Barbeque Party

5.9K 138 6
                                    

Snow's POV

Leche talaga oh! Araw namin to ni summer pero itong mga to nakikisali pa! Pano ko ngayon masosolo si summer? Ngayon nga lang kami nagkaroon ng 'quality time' eh, madalas kaming magkasama oo. Pero yung tipong kami lang talaga? Wala talaga dahil madalas kasama namin sila jade at sam.

Tapos ngayon na eto na inaya ko na siya para magkasama na kami, kahit ilang days lang, ala? Napurnada pa! Hay nako.

"Oy snow! Tinutunganga mo dyan? Tumulong ka oh." sabay turo niya sa mga bote ng alak. Inirapan ko naman siya.

"Kainis ka talaga jade eh. Imbis na araw namin to ni summer, na KAMING dalawa lang pero ano? Sumingit pa kayo!" inis na sabi ko sa kanya. Tinawanan naman niya ako. Ugh.

"Eh sorry na nga kasi pre. Tsaka, binigyan naman namin kayo ng isang araw ah? Tsaka okay naman na yun diba kasi naging kayo? Oh see!"

"Oo nga at naging kami pero ano ba dapat ang gawin after nun? Di ba dapat magkaroon kami ng 'quality time' na KAMING DALAWA lang?"

"Hoy hoy ikaw snow ah! Anong 'quality time' pinagsasabi mo dyan? Hoy! Bata pa kayo ni summer ah, masama yan." sigaw naman ni jace. Binato ko naman siya ng maliit na bato na nadampot ko. Kainis to! Green minded!

"Oo nga naman snow. Grabe ah, diko akalain na ganyan na pala ka advance utak mo at gusto mo na gawin 'yun' sa bestftriend ko ah, naku di ako papayag!" sinamaan ko naman ng tingin ni sam. Isa pa to!

"Kaya nga naman snow, bata pa kayo. Mga grade 11 pa lang kayo kaya easyhan niyo lang muna. Okay?" sabi naman ni khail.

"Oo nga. Enjoy niyo muna kung anong meron kayo, tsaka isang araw pa lang kayong mag on diba?" sabi naman ni athena.

"At snow. May alam ka na ba sa mga ganyan?" tanong naman ni anne.

Napa facepalm na lang ako sa kanila. Mga green minded af! Sarap pag uupakan, kainis! Buti na lang wala dito si summer at naligo na muna kundi baka kung ano pa isipin nun tulad ng pinag iisip ng nga kupal na to! Tsk.

"Mag si tigil nga kayo! Ang beberde niyo mga leche kayo!" sigaw ko sa kanila at nagtawanan lang sila. Tsk.

If I know, iniliko lang nila yung topic dahil ayaw nilang masabihan ko sila na umalis na dito dahil talagang nakakaistorbo naman na talaga sila. Tsk.

Nag ayos na lang kami ng mga dapat na gawin dahil nga sa barbeque party na sinasabi nila.

After isang oras, natapos na rin kami sa pag aayos. Nag iihaw na sila anne at jace, si khail naman at athena nag luto ng menudo na favorite ko, tapos ai jade at sam naman? Ayun. As usual bangayan na naman. Nakakarindi na nga eh.

"Pwede ba jade layuan mo nga ako!"

"Ang kapal mo naman! Bakit sa tingin mo ba sinusundan kita sam? Kapal mo! Sabay lang tayo nagpunta dito dahil pareho lang naman tayo inutusan sa bayan. Tsk. Assumera!"

"Pwede ka naman lumayo layo ng konti saakin ah, bakit dikit ka ng dikit?"

"Oy sampanget, pano naman ako di didikit sayo eh tingnan mo nga! Ikaw kaya nakahawak sa kamay ko!"

Naiiling na lang ako sa pinag sasabi at pinag aawayan nila. Napakababaw talaga ng dalawang yan. Nainip na ako dito at naisipan ko naman na puntahan na lang si summer na tumutulong kila khail na mag luto.

"Hey," bati ko kay summer sabay niyakap ko siya sa bewang. Deym. Ang sarap talaga niyang yakapin, di nakakasawa.

"Hey, tapos na ba kayo mag ayos dun?" nakangiting tanong naman niya.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon