Chapter 47: Breaking

4.3K 90 0
                                    

Summer's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung away sa pagitan namin nila snow at kay lola. Doon pa rin ako sa mansion tumutuloy, medyo mahirap iwasan si lola pero succesfull naman since mukang pati si lola iniiwasan ako.

Kaya naka survive ako ng two weeks. Buti na nga lang lagi akong inililibang nila lolo kapag andyan si lola, tapos kapag weekend naman pupunta ako sa condo nila snow at dun tatambay.

Sa totoo lang, natatakot ako sa pananahimik ni lola for the past two weeks. Kilala ko siya, pag madalas na tahimik yan, ibig sabihin may naiisip yan na plan. Ewan ko pero, sa tingin ko, masamang plano ang mga yon.

"Iha, andyan na si snow sa gate." tawag sakin ni manang. Tuwing hinahatid ako ni snow dito, laging hanggang gate lang siya dahil sinabihan ko na wag na lang magpakita kay lola, baka kasi magkasagutan pa sila. .

"Sige po manang baba na po ako." inayos ko na muna yung buhok ko, yan maganda na ako 😁

Pagbaba ako, napadaan ako sa sala at andun si lolo at lola na nakatingin sakin. Nginitian ko si lolo na nag thumbs up pa sakin, pero si lola ang sama ng tingin sakin. Nag half smile na lang ako sa kanya at umalis na.

Bigla akong kinabahan sa tingin ni lola sakin, kakaiba eh. Ibang iba, parang yung tingin na 'magsama na kayo ngayon dahil sa susunod hindi na' parang ganon? Ay ewan.

"Shall we go?" I just shrugged at my thoughts, and smile widely at snow. As usual, naka long sleeve na plain blue na naman siya tapos naka short shorts then black chucks.

Ang ganda ganda niya kahit na nakasimpleng damit lang siya. Biruin mo, sila ang pinaka mayaman dito sa bansa pero napaka simple niya kung pumorma. Nakalugay ang blonde niyang buhok at nakashades na black. Ang ganda ganda niya, parang nanliit naman ako sa sarili ko na tank tops lang at short shorts. Ewan ko, simple lang naman din porma ko at alam kong maganda naman ako, pero tuwing nakikita ko tong girlfriend ko, parang nanliliit ako.

"Tara na," sabi ko. Humawak siya sa kamay ko at pinagbuksan niya ako ng pinto sa baby lambo niya. Gentlewoman as ever. Kinikilig pa rin talaga ako tuwing nagiging gentlewoman siya sakin. Sa loob ng isang taon na relasyon namin, hindi nawawala ang mga kilig ko sa every gestures niya sakin.

"Saan tayo snow?"

"Sa puso mo myloves," sabi niya. Winiwiggle niya pa yung kilay niya, at naka ngiti. Natatawa na lang ako, minsan talaga parang bata to.

"Umayos ka ha, saan nga?"

"Dyan dyan lang. Sa tagaytay, may ipapakita ako sayo."

Tagaytay? Hm. Out of country pala ang peg namin, okay na rin yun para makaiwas sa polusyon ng syudad.

"Ano naman ipapakita mo?"

"Basta, paniguradong matutuwa ka."

Di na lang ako sumagot at ngumiti na lang ako sa kanya. Hawak hawak ko ang kanang kamay niya habang nag dadrive siya. Namimiss kong hawakan ang kamay niya na to, kahit na kahapon lang nahawakan ko to.

Diko maintindihan nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko, mawawalay ako sa kanya ng matagal. Iba, parang biglang sumama ang pakiramdam ko at parang diko siya makikita ng matagal. I sighed, diko na talaga maintindihan sarili ko simula nung dumating sila lola rito. Para ako maprapraning.

"Are you okay?" nag aalalang tanong ni snow. I just smile at her, "Yes my loves, im okay."

"Matulog ka na lang muna."

Tumango na lang ako. Tama, matutulog na lang muna ako. Baka paggising ko, okay na ang pakiramdam ko. Baka paggising ko, mawala na tong nakakainis na pakiramdam na to.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon