Chapter 49: Gonna get'ya

4.8K 112 1
                                    

Summer's POV

"So what's your plan?"

"I dont know. Im planning to contact one of our friends, maybe sam?"

"Pwede. Dahil you said, bestfriend mo naman siya since childhood."

"Kaya nga. Ngayon ko na kakausapin si sam, samahan moko zach?"

"Yeah sure. Im gonna get my car keys na,"

Yes. Im finally back to philippines. After I left, kasama si lola at lolo and zach sa cali, naging miserable ang buhay ko. Lalo na't wala si snow sa tabi ko. Araw araw ko siyang naiisip, iniiyakan, at kinakamusta sa mga bituin. Wala akong kahit na communication sa family ko, kila mom, dad, kuya at ate.

Naging kontrolado ako ni lola sa cali. Nabalitaan ko mula kay zach na pinaghahanap daw ako ni snow sa cali pero dahil sa kapangyarihan na meron si lola, hindi niya ako nahanap. Hanggang sa nilabas na niya na engage na ako kay zach.

Alam ko na mahahanap ako ni snow kung gagamitin niya ang kapangyarihan niya bilang isang Kent. Pero kilala ko siya, ayaw niya madalas na gamitin ang pagiging Kent niya sa ibang bagay lalo na sa sitwasyon na ganto. Baka mag leak agad sa media na pinaghahanap ako ni snow Kent dahil girlfriend niya ako, mas lalong magiging complicated ang sitwasyon namin kapag nagkataon.

Pero sa loob ng apat na taon na nakuha ko ang loob ni lola. Naibigay na rin ang matagal ko ng plano. Nung umalis ako ng bansa, pareho lang pala kami ni zach na napipilitan. Si zach, he's a great guy. Nagkasama kami sa iisang bahay pero never niya akong ginalaw, never niya akong ipinilit sa kanya. And Im thankful to him. Siya yung naging sandalan ko sa cali, together with my lolo. Silang dalawa yung laging nag chicheer up sakin kapag pinagsasalitaan ako ni lola ng masasakit na salita. Sila yung naging sandalan ko tuwing namimiss ko si snow.

And now, na nasa akin na ang main comapany namin na ibinigay sakin ni dad and lolo. And ngayon na na kay zach na rin ang company nila, kaya na namin icall off ang kasal anytime na wala ng magagawa pa si lola. Matagal na naming plano ni zach na kapag naibigay na samin ang mga companya namin, dun namin icacall off ang kasal at dun lang namin matatanggap ang kalayaan na gusto namin.

And because of that, pwede ko ng balikan si snow. Pwede na kaming magpakasal. Pwede na kaming magsama dahil wala naman ng hahadlang samin. And kailangan ko ng tulong ni sam. Kaya pupunta kami ngayon doon sa tinutuluyan niyang condo,

"C'mon girl." sumunod na ako kay zach. Iginewang gewang niya pa ang pwet niya habang naglalakad, natatawa na lang ako. Zach is gay.

Matagal na niyang sinabi yun sakin pagkalapag na pagkalapag pa lang ng eroplano sa cali. May boyfriend rin siya, tindi noh? One year na sila ng bf niya na amerikano. Haha.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pang pumasok. Kapag nasa labas kami, nagpapakalalaki siya. Pero kapag nasa bahay lang kami, daig niya pa ako sa kaartehan jusme.

"Oh girl, ano na? What's the address of your beshie?" maarte niyang tanong. Naiiling na lang ako na ibinigay sa kanya ang address ni sam.

"Oki, lezzgo na!" natawa na lang ako ng mahina sa kanya. He's been my happy pill since na nasa cali ako. He's like a brother to me, ah no, sister pala. And sabi niya, im like a bro to her. Duh, ganda ko kaya para maging bro. Kay snow lang naman ako naatract na kapwa ko babae, sa iba? Hindi naman na. Im not into labels naman.

After ilang minutes, nakarating na rin kami sa condo ni sam. Huminga na muna ako ng malalim bago umalis ng sasakyan ni zach. Kinakabahan ako, baka kasi galit siya sakin. Pero bahala na. Basta magkaayos kami ni snow, gagawin ko lahat.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon