Chapter 8: Date

7.4K 212 1
                                    

Snow's POV

Argh. Sakit ng ulo ko. Inikot ko ang paningin ko, ow. Andito pala ako sa room ko, sinundo siguro ako ni jade.

Tumayo na ako at umalis ng kwarto.
Napadaan ako sa kwarto ni jade kaya kumatok ako.

*Tok tok tok*

"Jade?"

"Jade?"

Binuksan ko na lang yung pinto kaso walang tao sa kwarto niya. Asan na kaya yun? Dumaretso na lang ako sa kusina. Nagugutom nako. Naalala ko wala pa pala akong kain kahapon ng lunch to dinner at uminom lang ako.

Tsk tsk. Papakamatay ka na ba snow? Masyado kang nagpadala sa init ng ulo mo. Tsk.

Hm? Wow. Sopas. Favorite ko. Kakainin ko na sana yung sopas sa lamesa ng may nakita akong letter.

Hi pre. Kamusta? Alam kong magkaka hang over ka kaya nilutuan na kita ng sopas bago pa ako umalis. Pasensya na pre, may lakad ako ngayon eh magkikita kami ni sam. Kakagulat noh? Hahaha. Anyways, iinit mo na lang yung sopas bago ka kumain. Tska nga pala, gusto makipagkita ni summer sayo mamaya sa coffee shop sa tapat ng school mamayang 4 pm. Pumunta ka ha? Kundi iuuwi ko ng may gasgas na ang kotse mo. HAHAHAHA. You know me, alam mong gagawin ko talaga yun. Pumunta ka ha. Bye.

Pisti ka talaga jade! Nilayasan ako. Hayup naman. Tsk. Tsaka makikipagkita pa daw si summer..

Pupunta ba ako? Anong oras na b--

Potah! Mag aalas tres na ng tanghali! Napasarap tulog ko!

Ininit ko muna yung sopas tas bumalik ako ng kwarto hinanda ang idadamit ko. Bumalik ulit ako sa kusina at kumain, pagkatapos eh daretso shower nako.

After 30 minutes, letse 3:45 na! Dali dali akong nagbihis. Nag white shirt na lang ako tas skinny jeans and sumbrero na gift ni kuya bago siya umalis. At dali dali akong umalis.

Gamit na naman ni jade yung Lamborghini ko, tsk tsk. No choice, gagamitin ko na lang yung kotse niya. Kinuha ko yung susi sa kwarto niya tsaka sumakay at umalis na.

Nagmamadali akong bumaba pagdating ko sa coffee shop. Ayokong magasgasan Lamborghini ko noh! Bagong release yun at ako pa lang ang may sasakyang ganun dito sa pinas kaya iniingatan ko talaga.

Pumasok ako at ginala ko ang mata ko. Hmmm. Summer where are thou?
Naglakad lakad ako ng konti ng may nakita akong pamilyar na pigura. Lumapit ako at tama ako. Si summer nga.

Poker face lang akong naupo sa harap niya.

"H-hey snow. Akala ko dika makakapunta."

"Ano ba pag uusapan natin?"

"G-gusto ko lang sanang humingi ng sorry sa nasabi ko kahapon. Sorry talaga snow," nakapout niyang sabi. Tumawa lang ako ng mahina at pinagmasdan siya. Nakayuko siya habang nilalaro laro ang mga daliri niya. Cute.

Tumikhim ako dahilan para maiangat ang tingin niya sakin. Tiningnan ko lang siya at di siya makatingin ng tuwid sakin. "Sorry talaga snow. Sa susunod aalamin ko na muna ang lahat bago kita iconfront. Sorry." nakayuko na naman niyang sabi.

Lihim akong napangiti. How can she be so cute and beautiful at the same time? Damn.

Di ako nagsalita at tumayo ako. Napatingin naman siya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at nagulat naman siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya palabas ng coffee shop.

"S-snow? San moko dadalhin?"

"Gusto mong mapatawad kita diba? Sakay na. May pupuntahan tayo."

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon