Chapter 46: To the universe and back

3.6K 89 1
                                    

Summer's POV


"Ano bang pumasok dyan sa utak ng anak ninyo na makipag relasyon sa kapwa niya babae ha?"

"Pwede ba, merylda, malalaki na sila! Malaki na ang apo natin, alam na niya ang ginagawa niya, tsaka isa pa, di na to katulad ng mga panahon natin noon, tanggapin mo na lang dahil hindi naman natin hawak ang buhay at puso ng apo natin!"

"Isa ka pa pablo! Nangkukunsinti ka kahit na alam mong mali ang ginagawa ng apo mo!"

"Hindi kailan man mali ang magmahal merylda! Pipigilan ko sila kung alam kong di naman talaga nila mahal ang isa't isa! Pero hindi! Kitang kita ko sa mga mata nila kung pano nila kamahal ang isa't isa, pwede ba wag ka na lang mangialam?"

Di ko na pinatapos pa ang pakikinig sa pag uusap nila lolo and lola, malamang andun si mom and dad. Kahapon, kila snow na ako natulog, umuwi lang ako ngayon dahil nagtext si dad na umuwi pa rin daw ako para lalong di magalit si lola. Kaya wala akong choice kundi dumito na lang muna.

Mabuti nga may pasok araw ako tsaka busy rin sa school kaya siguro naman diko na sila mapapansin masyado, lalo na si lola. Mabuti na yun, baka kasi magkasagutan na naman kami, ayoko naman na maulit pa yun kaya ako na ang umiiwas ngayon pa lang.

"Oh, bunso!" niyakap ako agad ni kuya pagkakita niya sakin, "Kamusta ka? Kila snow ka ba natulog? Nakatulog ka ba ng maayos? Kumain ka ba?" suno sunod na tanong niya.

Ngumuti ako sa kanya. "Opo kuya. Nakatulog po ako, although 5 hrs lang halos tulog ko, okay naman na po yun. Tsaka, kumain na po ako. Di naman po ako pinapabayaan nila snow doon, lalo ni snow sa pagkain." sabi ko.

"Mabuti naman. Maaasahan talaga yang si snow," nakangiti niyang sabi. "Osige, punta ka na muna sa kwarto mo. Dont worry sis, andito kami for you. Di ka namin pababayaan, lalo na kay lola." sabay kindat niya sakin. Natawa na lang ako ng mahina.

Protective talaga nila sakin. And nakaka touch ang pagiging ganun nila. Ramdam na ramdam ko na di ako nag iisa, na andyan lang sila para sakin, na sabay sabay namin haharapin ang galit ni lola. Nakakatuwa at nakakalambot ng puso.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga. Pano na? Nasa iisang bahay lang kami ni lola. May 1 araw pa bago mag pasukan. Sila snow naman pati fam niya may sariling lakad kaya di naman ako pwede makijoin. Wala akong gagawin ngayon, hays. Matutulog na lang ako magdamag, bahala na.

...

*TOK TOK TOK*

Nagising ako sa katok sa pintuan. Pupungay pungay pa akong napabangon at tumingin sa orasan, naku! Gabi na pala! 7 pm na.

*TOK TOK TOK*

"Apo, si lolo to."

Lolo? Ay si paps pala yung kumakatok. Pumunta akong pintuan, bubuksan ko na sana ng maisip ko na baka kasama niya si lola.

"Apo, si lolo lang ito. Wala akong ibang kasama. Di ko kasama ang lola mo," parang biglang nabasa yata ni lolo ang nasa isip ko. Pinagbuksan ko na agad siya ng pinto.

May dala siyang pagkain para sakin.
Eto ang gustong gusto ko kay lolo, alam niya madalas ang tumatakbo sa isip ko. Tulad kanina na naiisip ko baka kasama niya si lola tapos bigla niyang sinabi na di niya daw kasama si lola. Tapos ngayon na nasa isip ko na nagugutom na ako dahil di ako nakakain kanina, eto may dala siyang pagkain. Favorite ko pa! Pork adobo.

"Lo, salamat po." sabi ko sabay kuha ng pagkain. Nilagay ko na muna yun sa table dito sa kwarto ko. Naupo naman siya sa kama ko at inikot ang mata sa buong kwarto ko.

"Maganda ang iyong silid apo. Malinis at maaliwalas." sabi niya.

"Maraming salamat po," umupo na ako sa tabi niya na nakatungo. Nahihiya kasi ako sa inasal ko kagabi sa tapat nila.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon