Chapter 35: First Problem

4.8K 98 0
                                    

Snow's POV

"Wag kang lalapit lapit kay Scarlet ha?"

"Opo,"

"Hanggat maaari, wag mo siyang kakausapin naiintindihan mo?"

"Opo,"

"Tsaka, basta, iwasan mo siya ha!"

Humarap na ako ulit kay summer. "My loves, for nth time, opo di po ako lalapit kay scarlet, and opo hanggat maaari di po ako makikipag usap sa kanya, okay? Just trust me hm?"

"Dapat lang! Osiya sige, una na ako. Kitakits na lang sa school ha,? I love you!" humalik siya sa pisngi ko sabay alis na.

Natatawa na lang ako sa mahal ko, simula nung sinundo ko siya sa bahay nila kanina, paulit ulit niyang pinaalala sakin na wag daw ako lalapit kay scarlet, at wag daw kausapin hanggat maaari.

Di naman maiiwasan masyado na magkadikit kami o ano, dahil kasama rin siya sa volleyball team ng school na to. Simula nung nalaman ni summer yun, oh ayan, napraning na. Haha. Nalaman lang namin na dito na siya mag aaral kahapon, 

*Flashback*

Pauwi na kami at syempre ihahatid ko si summer myloves, andito na kami ngayon sa parking lot. Sasakay na sana kami ni summer nang biglang humarang samin si scarlet.

"Hi summer. Hi snow," nakangiting bati niya. Poker face lang naman ako na tumango sa kanya, di naman kami close eh. Inirapan lang naman siya ni summer, muntikan na ako matawa don. Ang init ng dugo nito kay scarlet, haha.

"Sungit niyo naman, anyways, gusto ko lang ipaalam sainyo na masaya ako na magkakaklase na tayo ngayon at mag schoolmate, atsaka snow, teammate mo na rin ako." ngiting ngiti na sabi niya.

Nanlaki naman pareho ang mata namin ni summer. Nagkatinginan pa kami at sabay halos na nakunot noo. Bakit dito mag aaral to eh, may sarili naman silang paaralan?

"Hoy, kami ba niloloko mo?" masungit na tanong ni summer. Muntikan na ulit ako matawa, ang cute cute niya. Nakahalukipkip na siya ngayon habang nakatingin kay scarlet.

"Wala lang, ayoko na kasi sa school. Simula pagkabata ko, andun na ako, nagsasawa na ako kaya dito naman ako ngayon. Wag kayo mag alala, kung naiisip niyo na baka spy ako dito o ano, naku hindi ah. Malinis intensyon ko na dito mag aral." sunod sunod na sabi naman niya.

Nagkatinginan ulit kami ni summer. Nagkibit balikat lang ako, wala naman akong pake kung ano man ang kailangan niya dito. Just dont mess with me, or kay summer, magkakasundo kami.

"Osiya sige, una na ako ha. See you tom pres! See you tom ace!" tumalikod na siya at umalis.

Nagtataka naman kaming umalis ni summer.

*Flashback ends*

Actually, nakakapagtaka nga naman na talaga na kahit na may sarili naman silang paaralan, eh dito pa siya talaga nag college. But as I said, wala naman akong kaso sa kanya, as long as hindi niya kami pakialaman ni summer.

"Oh ace!" salubong ni cap. Inakbayan niya agad ako at sabay na kami na naglakad papuntang gym. May meeting kami nila coach ngayon kaya excused muna kami sa first subject namin.

"Hi pre," bati ni jade. Tinanguan ko lang siya at nakisabay na rin samin. Pagdating namin sa gym, lahat sila nakapaikot na. Nakita ko agad si scarlet na ang laki ng ngiti sakin, diko lang siya pinansin at naupo malayo sa kanya.

Nag meeting lang kami tungkol sa mga darating na laban namin, at sa practice namin. May college sports league na kasi, pero apat na bwan pa kaya marami pa kaming oras at araw para makapag practice.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon