Chapter 19: Falling

6.2K 137 4
                                    

Snow's POV

Ilang araw na lang 'special day' na ng school namin. At hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na may gantong araw pala ang school, dapat sinabay na lang nila sa foundation day eh. Tsk.

"Punta muna tayo kila summer?" tanong ni jade.

"Oo. Wala naman tayong klase eh."

Magkasama kami ni jade ngayon dahil walang klase ang mga top section. Tanging kami lang ang walang klase at diko alam kung bakit. Daming ka artehan ng school na to, tsk.

Yari ka kay summer kapag narinig niya yan.

Kaya nga sinarili ko na lang eh para di ako mayari kay summer. Tsk.

Dare-daretso lang kaming pumasok sa office ni summer. Ganto naman kami eh, ay hindi ako lang pala at etong si jade nakasunod lang sakin. Nadatnan namin ang magbestfriend na si sam at summer na nag uusap at napatingin pa ito samin sabay ngiti. Nginitian lang din namin sila.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni sam.

"Nandito ako para makita yung kaibigan mo," sabi ko sabay kindat kay summer na kinapula naman niya. Napangiti na lang ako.

"Aysus! Ang lalandi! Oh ikaw stupid? Anong ginagawa mo dito? Dont tell me andito ka rin para makita si summer?" tanong ni sam sabay crossed arms.

"Huh? Hindi ah! Sinamahan ko lang si snow dito." sabay irap naman ni jade kay sam. Napailing na lang ako, talaga tong dalawang to diko alam kung anong trip. Minsan sweet at okay naman sila, pero madalas nagbabangayan.

"Oh tama na yan," sabat ni summer, "Andito kayo para tumambay diba?" tanong niya pa.

"Oo." kibit balikat kong sagot sabay salampak sa sofa niya dito sa office. Narinig ko pang nagsabi si summer ng 'tsk' pero diko na lang ito pinansin. May hinihintay ako eh.

Naramdaman ko naman na naupo na rin si jade sa isang couch at nag cellphone cellphone. At balik naman sa pag uusap sila sam at summer nang may biglang kumatok.

"Ako na magbubukas," sabi ni sam.

"Edi ikaw, ts." sabat naman ni jade.

Diko na sila tiningnan at pinansin dahil mukang alam ko naman na kung ano ang ginawa nila sa isa't isa. Malamang nag irapan lang sila. Haha. Tsaka alam ko na rin ang pakay ng taong kumakatok.

"Wow flowers! Summer para daw ito sayo oh," narinig kong sabi ni sam. Napangiti ako.

"Kanino galing?" tanong naman ni summer.

"Diko alam eh. Buksan mo na lang tong letter dali," -sam

Saglit na natahimik ang paligid, siguradong binabasa na niya o nila including sam yung letter na kasama sa flowers.

Maya maya lang may naramdaman na akong tumabi sa bandang ulanan ko. Nakapikit lang akong pinatong ang ulo ko sa taong naupo. Naamoy ko na rin ang flowers na buhat niya, napangiti na naman ako.

"Ang daya mo snow," narinig kong sabi ni summer. Dumilat naman ako at hinarap siya,

"Bakit naman?"

"Bakit di na lang ikaw ang nagbigay nitong flowers? Nagpa deliver deliver ka pa! Ang tamad mo talaga eh noh,"
parang bata na sabi ni summer. Napatawa naman ako. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.

"Sorry kung tinamad ako. Haha. Akala ko kasi may practice kami today kaya akala ko di ako makakapunta dito, so pinadeliver ko na lang yan. Nagustuhan mo ba?"

"Oo syempre, ikaw talaga!"

"Aray naman summer. Ang sadista mo naman makahampas, ikaw na nga binigyan ng flowers eh," nakalabi kong sabi. Hinampas niya kasi ako eh.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon