Chapter 23: Official

6K 130 1
                                    

Summer's POV

Its friday. And im packing up, why? Cause snow texted me earlier na may pupuntahan daw kami. Ewan ko kung saan but im excited! Deym! Sa sobrang ka busyhan kasi namin minsan lang kami lumabas. Pero lagi naman kami nagkikita, pero wala naman kaming alone time. Madalas kasi kasama namin sila jade, at sam.

*Bip*

That's my phone. Haha, ganyan tunog kapag may nagtetext sakin. Bip lang tapos vibrate. Kinuha ko yung phone ko at chineck kung sino nagtext, and its snow. Dali dali ko itong binuksan,

From: Snowflakes

Im on my way summer. Be ready,

Shems. Binilisan ko na ang pag papack, kinuha ko na rin ang maong na jacket ko at sinira na ang bag na gagamitin ko. Bumaba na rin ako agad.

"Oh sweetie, aalis na kayo ni snow?" sabi ni mom.

"Yes mom." I said, and kiss her on her cheeks. "Where's dad mom?"

"Nasa company of course together with your brother and sister."

"How about you? Dito ka lang mom?"

"Well yeah. Tinatamad ako eh," talaga to si mom oh. Haha. Ganyan siya, kapag tinatamad siya di siya papasok sa opisina niya. Which is, sa restaurant niya.

*Beep beep*

"Si snow na yata yan sweetie."

Mukang si snow na nga. Kakapasok niya pa lang sa pintuan, and I can't help but to stare at her. Naka pink floral polo siya tapos nakabukas ang first three buttons niya at naka tuck in sa black fitted jeans niya and naka boots din siya. Wow. So cool. Ang boyish niya pumorma pero para pa rin siyang dyosa.

"Ahem anak, baka matunaw si snow niyan." tatawa tawang sabi ni mom. Sinamaan ko naman siya ng tingin, at mas lalo pa siyang tumawa. Hay nako.

"Hi tita," bati ni snow at kumiss din siya sa pisngi ni mom.

"Hi snow. Ingat kayo ah? Ingatan mo prinsesa namin."

"Yes tita. You can count on me." sabay wink pa ni snow. Ugh, sila na close.

"Sige na mom, alis na kami. Goodbye mom, love you." yinakap ko naman si mom.

"Love you too sweetie." kumalas na ako sa pagkakayakap kay mom and binuhat na rin ni snow ang dala ko na bag.

Oh, ibang kotse yata gamit niya ngayon? Ford Ranger ang gamit niya.

"Hindi mo yata gamit ang lambo mo ngayon?"

"Mas maganda yan gamitin sa lakad natin. Tara," pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na ako. Gentlewoman as ever. Pumasok na rin siya sa driver side at pinaandar na ang sasakyan.

"Pano yan, absent tayo ngayon?" tanong ko.

"Its okay. We are already excused."

"Eh pano?"

"Connections," sabi niya habang nakangisi. Tsk. Nakalimutan ko Kent nga pala ang isang to.

Habang nasa byahe kami diko mapigilan na makatulog.

...

"Hey summer. Were here." nagising ako sa paggising ni snow sakin.

"Baba na summer." sabi pa niya. Nag inat na muna ako at pupungay pungay na bumaba.

At doon ko na lang nakita kung nasaan kami ngayon. Wooow. This is so breath taking. I dont know what to say. This is so freaking beautiful.

"So. What can you say?"

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon