Chapter 15: New Comer

7.6K 144 1
                                    

Snow's POV

Ilang araw na lang school games na. Sobrang busy na talaga namin nila jade. Di na rin kami pumapasok sa mga classes namin kasi excused kami so di ko na rin nakikita si summer. Kainis nga eh. Nakikita ko nga siya bihira lang.

Minsan pumupunta pa si summer dito para lang magkita kami. Oh diba, patay na patay din sakin yun eh! Hahaha de joke. Minsan nanonood sila ng mga practice namin, di ko na rin siya naihahatid at nasusundo.

Minsan nga naiisip ko, wrong timing yung panliligaw ko! Kainis! Sinabihan ko nga siya nung nakaraang araw na, pagtapos ng school games babawi ako sa kanya eh. Sabi niya naman okay lang daw yun kasi busy rin daw sila kasi pinag hahandaan nila yung superior meeting. So ayun, quits lang.

Ugh basta. Babawi ako sa kanya after ng school games.

"Hey snow!"

Tsk. Andito na pala yung magaling kong bestfriend. Tumakas to nung nakaraang training, di man lang ako sinama!

"Oh," sagot ko habang nakatingin ng masama sa kanya. Agad naman siyang napakamot sa ulo habang lumalapit sakin,

"Sorry na kasi pre," tsk. Sorry? Di man lang ako sinama tumakas di sana may oras ako para makapag dinner kami ni summer. Eh pano, hapon nung practice siya tumakas nun. Nagulat na lang ako, slash kami ng mga teammates ko na wala na siya sa gym.

Ayun, binatukan ni captain lean. Tsaka pinagalitan ni coach, tapos ako naman sinasamaan ko lang siya ng tingin. Pero kinakausap ko naman syempre,

"Tsk. Selfish," maikling sabi ko sabay irap sa kanya.

"Eehh naman eh! Sorry na kasi preeee, nangako kasi ako kay sam na sasamahan ko siya sa bakeshop ng ate niya nun eh. So tumakas ako na nakalimutan kong sabihin sayo," nagpapadyak pang sabi nito na parang bata. Tsk tsk.

"Oo na, pero sa susunod sabihan moko. Eh ang lagay kayo lang ni sam nakapag date?"

"Date?! Hoy! Di yun date noh!"

"Tsk. Date yun!"

"Hindi nga!"

"Oo nga!"

"Hindi!"

"Oo." ayaw patalo af.

"Hind--"

"Pag di kayo nag si tigil na dalawa dyan pag uuntugin ko kayong dalawa!"

Eh. Biglang sumingit si capt.

"Captain naman!"

"Hoy jade! Wag moko i-captain capatin naman eh ka dyan ah! Osiya, halikayo may meeting daw tayo at kayo lang hinihintay! Kaya naman pala eh nag aaway kayo dito sa locker room. Tsk."

Nagkibit balikat na lang ako tsaka inakbayan si jade at sumunod na kami kay capt. Ano kayang imemeeting?

Dumaretso na kami sa office ni coach. Nadatnan namin silang lahat na nakaready na at mukang kami na lang talaga ang hinihintay.

"Ikaw kasi, sama tuloy ng tingin ni coach satin, nakikipagtalo ka pa kasi sakin eh." bulong na sabi ni jade. Sinamaan ko lang siya ng tingin at sabay na kaming naupo.

"Alright, since andito naman na tayong lahat. I have some good news and bad news to you guys. Ano gusto niyong unahin?"

"Good news!" -teammates

"Okay okay, well the good news is. Wala tayong practice for 2 days."

O-kay? Then, 1-2-3...

"Yeheeeeeey!!!"

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon