Chapter 50: Let's start again

5.6K 130 0
                                    

Snow's POV



Sakit ng ulo ko na naman. Dami kong gawain dito sa opisina, tapos dun pa sa pagbabalik ni summer dito. Diko alam nararamdaman ko, kung masaya ba ako o hindi? Hindi ko rin alam kung galit ako. Hindi ko alam kung inis ako. Hindi ko alam kung may masamang loob ba ako sa kanya o ano.

"Chief, tawag po kayo ni mam kaireen." napapitlag pa ako ng marinig ang boses ng secretary ko sa intercom.

"Yes okay, pupunta na ako." sagot ko. Nilinis ko na muna ang desk ko bago ako umalis at pumunta sa opisina ni ate kaireen. Ano naman kaya sasabihin nun?

Madalas kasi kapag nasa opisina kaming dalawa, halos di kami nag uusap. Di bale, sa condo lang kami nag uusap talaga. Very professional kami pagdating sa work. Kaya siguro mahalaga sasabihin nun,

Kumatok na muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok. Nadatnan ko siyang prenteng nakaupo sa swivel chair niya na medyo seryoso. Naupo na lang ako sa tapat na upuan sa lamesa niya,

"Ano yun ate kaireen?" tanong ko. Since kaming dalawa lang naman andito, pwede kami mag casual na mag usap.

"May party tayo na pupuntahan mamaya. Mahalaga yun, kasi isa sa mga magiging investor natin ang party na yun so we need to attend. Are you free tonight?" dare-daretso niyang tanong.

"Ano bang pangalan ng future investor natin na yan? Kilala ko ba?"

"Oo kilala mo. So ano, pwede ka ba?"

"Oh kay, what time?"

"7 pm tonight. Dont be late." yun lang at sinenyasan niya na ako na umalis. Nag kibit balikat na lang ako at umalis na.

Minsan talaga, ay hindi madalas, masungit yang si ate kaireen. May pagka kent nga talaga. Hahaha. Ganun din si fall, may pagka masungit at snob minsan. Kent talaga kami,

Papasok na ako sa private elevator ko ng makita ko si riyen. Ano naman kayang ginagawa niyan dito?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nakatalikod siya so di niya ako napapansin, pagkalapit ko. "Waaaah!" sigaw ko sa tenga niya.

"Punyeta!" sigaw naman niya na napatalon pa. Nangingiti na lang ako sa reaksyon niya, napahawak pa siya sa dibdib niya.

"Ano kailangan mo dito?" tanong ko.

"Wag ka ngang manggulat! Tsaka anong ginagawa ko dito eh alam mo naman na dito ako nagtratrabaho, as president!" masungit na sabi naman niya. Mukang napikon yata sakin. Haha.

"Oo alam ko, ibig ko sabihin, ano ginagawa mo dito sa floor namin dalawa ni ate kaireen? Diba sa baba ka pa?"

"Ah ano, basta. Wala lang. Napadaan lang,"

"Sus. Sige na, pasok ka na don mukang good mood naman siya." sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Nangingiti na lang ako kay riyen.

Three years na yun na nanliligaw kay ate kaireen eh. Straight yata si ate kaireen kaya di pa siya sinasagot.

Pumunta na lang ako sa office ko at tinapos ang kailangan kong matapos ngayong araw dahil may party pa kami later.


...


"Ready ka na ba?"

"Teka ate, ano naman isusuot ko. Ano bang klaseng party yun? Alam mo naman na di ako nagsusuot ng dress."

"Kahit na ano basta komportable ka. Sige ha, balikan kita after 30 minutes."

Iniwan na ako ni ate kaireen at hinayaan na ayusin ang kung ano man na isusuot ko. Actually, hindi ko alam kung ano isusuot ko. Di bale na, basta kung ano daw basta komportable ako so kahit ano na!

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon