Chapter 20: Silver

5.4K 107 3
                                    

Silver's POV

Finally, makakapasok na ulit ako. Kahapon lang ako nakauwi ng bansa at ngayon ang first day ko sa school, medyo late na pero okay lang. Dati naman na akong studyante dito.

Hinihintay ko ang magaling kong bestfriend dito sa bahay. Sabi niya kasi sabay kami papasok today, medyo naiinip na ako. Gusto kong mapaaga sa school para makahanap ng bago kong target.

Maya maya lang may narinig na akong busina sa labas. Sumilip muna ako sa bintana, nang makita kong sasakyan nun ni Kathy ang bestftriend ko eh lumabas na ako daretso sakay sa sasakyan niya.

"Hi Ash."

"Hi kathy." balik na bati ko sa kanya. Ngumiti lang ito sakin at pinaandar na ang sasakyan.

"So... Kamusta?"

I sighed. Sabi ko na nga ba mapapakwento ako agad dito sa babaeng to eh.

"Ayun. Naisalba naman ang kompanya namin." tipid na sagot ko. Naiinis ako kapag naaalala ko ang nangyari sa states.

"Pano?"

"Arrange marriage."

Nagulat ako nung biglang huminto ang sasakyan niya, buti na lang at naka seatbelt ako. Letseng babaeng to!

"What?!" di makapaniwalang tanong niya.

"Ano ba?! Are you trying to kill me?!" bulyaw ko naman sa kanya.

"S-sorry. So, inaarrange marriage ka talaga?"

"Oo. Yun na lang ang tanging paraan para maisalba ang kompanya namin."
Parang naiiyak na naman ako. Shit lang kasi. Napaka walang kwenta ng mga magulang ko!

"S-sorry to hear that ash."

"Its okay. Wag na lang natin pag usapan. Nga pala, binalik ako ni dad dito para daw kaibiganin ang Kent at Canda na si summer, iclose ko daw ang dalawa at kumbinsihin na mag invest sa kumpanya namin."

"Huh? Eh kahit papano naman kilala ka ni summer. Pero si Kent? Si snow? Siya ang bagong badass queen ngayon sa school. Ibig sabihin di mo siya tatalunin at di mo babawiin ang dating title mo?"

"Nope. Dati plan ko yun, pero nung nalaman ni dad mula sa isa sa mga superiors na dyan nag aaral ang bunsong anak ng mga Kent eh sabi niya kaibiganin ko daw. Ts. As if naman, pero wala naman ako magagawa. Ewan ko kung kakaibiganin ko pero sa tingin ko, di ko na lang siya babanggain sa school at hahayaan na lang siya title nang pagiging badass queen."

Sa totoo lang, wala na akong pakialam sa dati kong titulo sa school. Ang akin lang? Magsaya habang di pa ako natatali sa pisti kong fiance.

"Ganon ba? Oh sige. So.. Ibang target ang kukunin natin?" tanong niya with her signature smirk.

"Yeah, the b*tch is back." nakangiting kong sabi.

Naeexcite ako. Isang taon akong naging alipin sa states, alipin nila dad na halos di ako makalabas ng bahay. O kahit kwarto man lang. At ngayon na andito na ulit ako sa pilipinas? Back to old habbit. Bullying, Bar hoping, and being a PlayGirl. I miss it!

..

Kakarating lang namin ni kathy dito sa school. Walang pinagbago ang school na to, maganda pa rin at kamangha mangha pa rin. Talagang mabuti ang pagpapatakbo ni summer dito sa school na to ha, hm.

Credits to her. Dati kong kaibigan si summer, well di naman talagang 'kaibigan' pero matagal ko na siyang kilala. Since nursery dito na ako nag aral at ganun din siya. Minsan na kaming naging mag classmate. At kilala ko siya na talagang hands on sa lahat ng responsibilidad niya, including this school. 3 years na simula nung siya ang nagpatakbo nito pero maayos at maganda pa din.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon