Chapter 21: Bonding

5.1K 107 3
                                    

Snow's POV

Bakit andito siya?!

Tumingin ako kay jade at ganun din ang reaksyon niya. Pareho kaming gulat at nga nga. Ano ba to? Bakit andito siya? Tumingin ako kay dad and mom na nakangiti pa rin. Sila ate at kuya naman halatang nagtataka.

"Oh mga iha, take a seat please." sabi ni mom nung nakalapit na sila samin.

"Thank you po."

Nung naupo na sila, naupo na rin kami. Nakatingin lang ako sa babae na kaharap ko ngayon, magkakilala ba sila nila mom?

"Mga iha, I would like you to meet my daughters and son," panimula ni dad,  "This is Bullet Jin, Winter, and my youngest Snow, and si Jade na parang anak na rin namin." nakangiti na pagpapakilala samin ni dad.

"H-hello sainyo," bati naman nila samin.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan. Lahat kaming magkakapatid pati si jade eh nakatingin lang sa dalawang babae na bisita namin, tapos titingin din kami kila dad and mom na halatang di alam kung pano kami sisimulan na kausapin. Lahat kami nagtitimbangan kung sino ang unang magsasalita.

"Ah, ahem."

Napatingin kaming lahat kay kuya bullet na mukang magsasalita na, go kuya!

"Dad? Sino sila? Di mo man lang ba sila ipapakilala samin?" tanong ni kuya. Si daddy naman napalunok lunok pa at halatang kinakabahan.

At dahil sa nakita naming reaksyon ni dad, lahat kami nanlaki ang mata. Di ako makapaniwala! Nagawa samin to ni dad? Especially kay mom? What the!

"What's with your reaction dad?! What's the meaning of this?!" tanong ni ate winter na halatang medyo naiinis na. Tahimik lang naman kami ni jade.

"Uh, anak mali ang iniis--" di na natuloy ni dad ang sasabihin niya nung sumabat ni si kuya, "Kailan mo pa niloloko si mom ha dad?!" napatayo ni si kuya, naku. Galit na rin si kuya.

"Ano bang pinag sasabi niyo?" tanong naman ni dad.

"Really now,dad?!" sagot naman ni ate.

Tahimik lang kami ni jade kasi muka namang may paliwanag si dad. Salit salit lang ang tingin namin sa dalawang babae na bisita namin at kila ate, kuya, and dad na mukang magsasagutan na. Si mom naman umalis kanina dahil mag totoilet break daw.

"Kailan mo pa niloloko si mommy?!" tanong ulit ni kuya.

"Anong pinagsasabi mong niloloko?"
Lahat kami napatingin kay mom na kararating lang.

"Mom, pano mo nasikreto to samin?" tanong naman ni ate.

"Yung ano ba kasi?"

"Eto! Na niloloko ka ni dad, and he had another daughters sa kabit niya!" sabat naman ni kuya.

Natahimik na naman ang buong paligid. Lahat kami naghihintay ng reaksyon ni mom. Yung dalawang bisita naman parang natatawa na ewan. Problema ng mga to? May nakakatawa ba? Tsk.

"Hahahahahahaha!"

Eh? Lahat kami nagulat nung tumawa si mom and dad nang malakas. Hayup na yan! Ano bang nakakatawa?! Pati yung dalawang bisita, hinohold back pa ang pagtawa, tsk!

"Ano ba kayo mga anak?" natatawa pa ring sabi ni mom.

"Hindi ko niloko ang mom niyo. And kahit kailan di ko gagawin o maiisip man yon. Hahaha, ano ba naman kayo," natatawa rin na sabi ni dad.

Naupo na rin si kuya pero halatang naguguluhan pa rin siya. Well, kami rin naman! Naguguluhan. Minsan talaga may mga saltik tong mga magulang ko eh,

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon