Chapter 7: Crushie

7.8K 195 8
                                    

Snow's POV

Magdadalawang linggo na simula nung nag overnight ako kila summer.
And after that night, di nako pinapansin ni summer. Ewan ko ba dun. Nabaliw na yata, iniiwasan ako lagi. Hindi ako kinakausap kahit magkatabi lang kami sa room.

Buti pa si sam kahit papano kinakausap at nakakausap ko. Simula nung di niya ako pinapansin, di ko na rin siya pinapansin. Para saan pa? Eh di naman kami close in the first place.

Andito ako ngayon sa rooftop. My usual spot. Nakapamulsa lang akong nakatanaw sa ibaba ng campus. Karamihan break o vacant ng mga studyante kaya madaming tumatambay. Pero nakakagulat lang kasi walang tumatambay masyado dito sa rooftop. Madalas ako lang, ano kayang meron eh maganda at mahangin ka rito. Tsk.

Naglakad lakad ako. Naisipan kong sumilip sa bandang likuran ng campus.

Ano yon? Mukang may binubully ah. May 4 na lalaking parang binubully ang isang batang babae. Di ako sure. Hmm.

Diko alam kung bakit pero I just find myself going down sa likod ng campus. Pag dating ko, nagtago lang ako saglit ang nakikinig sa usapan nila.

"Ano na? Asan na allowance mo?! Tsaka yung pinapagawa naming project ha!"

"Naubos na ang allowance ko dahil ginawa ko nga ang p-project niyo."

"Aba! Kasalanan pa namin?!"

Ts. Malamang.

"Kung ayaw mong ibigay samin ang allowance mo, amina lahat ng alahas mo. Yang necklace at bracelet mo mukang mamahalin. Amina!"

"Wag! Bigay to ng parents ko!"

"Wala akong paki! Pag di mo pa binigay yan, mabubugbog ka na naman namin!"

Na naman? Tsk.

Di nako nakatiis at nakapamulsang lumapit sa kanila. Mukang di nila ako napansin dahil busy sila sa kaka argument sa batang babae. Tsk.

"Hoy." tawag ko.

Tsk. Ni wala man lang lumingon?

No choice. Lumapit pa ako lalo at kinalabit na lang yung lalaking madaldal na nag iinterrogate sa babae.

"Ano ba?!" singhal nito sakin. Hmm. Baho ng hininga pota.

"Alis."

"Ano?!"

"Alis."

"Mukang pinapaalis tayo boss." sabi naman ng isang lalaki kasama nila. Tsk.

"Ganon ba? Bakit naman kami aalis miss beautiful? Lalo na't andito ka na, baka gusto mong sumali samin? O sumama sakin? Alam mo.." sabi ng boss kuno at lumapit sakin. Di ako lumayo, hinayaan ko lang siya. Lumaput ito ng husto sakin at bumulong sa tenga ko. "magaling ako sa kama." pagpapatuloy niya.

Tsk tsk. Napapailing na lang ako.

"Talaga? Ako kasi magaling akong bumali ng buto at manira ng muka." casual kong sagot.

He stiffened. Ts, I smirk. Mukang natakot.

"Wala akong panahon sayo miss beautiful. Umalis ka na!"

"Ayoko. Kayo ang umalis."

"Tssk! Kung ayaw mo edi wag! Hoy kayong tatlo!" baling niya sa mga kasamahan niya. "Tapusin niyo na tong magandang babae na to. Maganda sana kaso matulis ang dila!"

"Yes boss."

Hays. Napaka walang kwenta. Sana natulog na lang ako.

Dahan dahan lumapit sakin ang tatlo. Yung boss kuno nila eh lumapit sa babaeng binubully nila. Pinasadahan ko ng tingin ang babae, puro pasa siya. Halata din sa mga mata niya ang takot at pag aalala.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon