Chapter 3: Sem Tour

10.7K 217 2
                                    

Snow's POV

Maaga kaming umalis ng condo. Mamaya pasok namin pero itong si Jade kasi pinipilit na magpa check up muna daw ako. Eh sinabi ko na ngang okay na ako. Hays.

"Oh pre, andito na tayo sa hospital baba na."

Bumaba na lang ako daretso at di na siya kinausap pa. Pumasok na kami daretso sa hospital at pumunta sa doctor na nag check sakin kahapon.

"Oh Ms. Kent and Ms. Link. Good morning."

"Good morning din po." sabay na bati namin ni Jade.

"Seat right here Ms. Kent."

Nagsimula nang icheck up ako. After 30 minutes natapos naman na at sinabihan lang ako ng doktor na wag masyado mag iisip o magpapagod. Tumango na lang ako. Di naman ako inaatake ng asthma dahil don eh, dahil yun sa nightmare ko.

Umalis na kami sa hospital at dumaretso sa room. Pagdating ko sa room ako pa lang ang tao dahil napaka aga pa. Dumukmo na lang ako sa desk ko at natulog.

..

"Okay na ba yan sis?"

"Ewan ko. Sabi niya okay na daw siya nung tumawag siya sakin kagabi."

"Ah. Siguro natutulog lang siya."

"Siguro."

Nagising ako sa kadaldalan ng 2 katabi ko. Of course its sam and summer.

Nag angat ako ng tingin sa kanila. Nagulat naman sila sa ginawa ko, tiningnan ko lang silang dalawa. Napakunot naman ng noo si sam at si summer naman eh nakatingin lang din sakin. Napahalf smile na lang ako sa kanila at umayos ng upo.

"Okay ka na ba ha snow?"

Tumango lang ako kay sam. Medyo mataray din to eh, magkaugali sila ni jade.

"That's good." -summer

"Thanks to the both of you."

"Your welcome!" -sam

Naghalf smile na lang ako sa kanila. Maya maya lang dumating na yung prof at nakinig na kami. Kahit naman na lagi akong tulog nakikinig din naman ako. Lagi akong nag to-top sa klase, kaya nga napunta ako sa 1st top section kahit transferee ako. Ganun din si jade kaso mataas ng konti ang grade ko kaya nasa 2nd top section siya.

Natapos ang first class at sumunod naman agad ang 2nd class namin.

"Okay guys. Before I proceed to the topic, may gusto akong iannounce or should I say sabihin kila Ms. Canda, Ms. Samonte, and Ms. Kent."

Nag angat ako ng tingin. Ms. Kent? That's me. Ano namang kailangan ng teacher na to sakin?

"Ladies, siguro naman aware kayo sa seminar tour this week. Oh, sila Ms. Samonte and Ms. Canda lang pala ang aware don. So anyway, this week na ang sem tour. To be specifically eh bukas na ang start. So, I want you Ms. Canda and Ms. Samonte to take Ms. Kent and Ms. Jade Min Link of 2nd Top section na isama sila sa sem tour bukas."

What?

"What?!"

Eh? Parang naisagaw lang ni sam ang nasa isip ko. Bakit kailangan kasama ako? At si jade? Tsk.

"Why Ms. Samonte?"

"I understand na kasama kami don ni summer. But, bakit kailangan isama pa namin sila Ms. Kent and Ms. Link?"
Oo nga.

"Well Ms. Samonte, sila lang kasi ang transferee na nakapasok sa Top section."

"But sir,"

"No buts Ms. Samonte. Si Ms. Canda nga walang reklamo at lalo na si Ms. Kent pero ikaw puro reklamo? You have no choice. Isasama niyo sila. Bukas na ang alis, dapat andun na kayo before 10 am."

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon