Chapter 25: Sam and Jade Kiss

5.7K 142 4
                                    

Snow's POV

Its been one week since nung pumunta kami sa ancestral house namin. And its been one week since nung naging kami na ni summer. And its the best one week of my life! Simula nung pagbalik namin dito sa maynila, halos di na kami mapaghiwalay ni summer.

May practice ako sa umaga at hapon, pero after ng practice ko dadaretso ako sa office niya. O kaya naman minsan siya naman ang pupunta sakin. And yes, alam na nila dad and mom even my brothers and sisters na 'kami' na talaga ni summer. Ganon din sa family niya, and were very happy na legal kami on both sides.

That's the most important. Yung tanggap kami ng mga pamilya namin, walang halaga o mas madaling sabihin na wala akong paki sa mga sasabihan ng iba. Ang mahalaga, mahal at masaya ako kay summer at ganun din siya sakin, at yun nga na tanggap kami ng family namin and friends ofcourse.

Alam na rin ng buong campus na kami na ni summer. May mga iba na super saya at kinikikig pa para samin, at may iba naman na nandidiri. Mga homophobic, tsk. Pero sa nakikita naman namin, mas marami ang sumusuporta samin. And were very happy about that :)

"Hoy nginingiti mo dyan?" sinamaan ko ng tingin si jade na nagtanong. Kakatapos lang ng practice namin dahil bukas 4th game na ng sports games kaya naghahanda na rin kami.

"Paki mo ba?"

"Hmp. Sungit! Oo nga't madalas ka ng ngumiti at medyo humahaba na rin ang mga words mo pero masungit ka pa din. Tsk."

"Since birth na tong kasungitan ko."

"Alam ko." sabi nito at nag wink pa. Diko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang ang lunch box namin ni summer. Yup. You heard or rather read it right. Lunch box 'namin' ni summer dahil simula nung naging kami, lagi ko na siyang dinadalhan ng lunch na ako mismo ang gumawa.

Well kahit naman na nung nililigawan ko pa lang siya nilulutuan ko naman na siya pero minsan lang yun. Pero ngayon, walang palya na ako mismo ang nagluluto ng pagkain namin. Gusto ko kasi safe at masarap ang kinakain ng prinsesa ko. Hindi naman sa sinasabi ko na di masarap ang pagkain dito at sa iba pa ha? I mean basta!

"Alis na ako jade, text text na lang." paalam ko kay jade na mag shoshower pa lang. Bagal kasi eh.

"Sige, sunod ako. Doon din ako mag lunch sa office ni summer."

"Ayaw mo sa office ni sam?" pangaasar ko.

"Ts! Bakit naman ako tatambay dun? Eh aasarin lang naman ako non at lalaitin! Hmp. Maka ligo na nga," inis na sabi niya at pumasok na sa shower room.

Naiiling na lang ako, ewan ko ba sa status ng mga yon. Minsan sweet, minsan I mean madalas mag kaaway. Hay nako.

Nauna na lang ako at dumaretso na sa office ni summer. Maraming studyante ang napapatingin sakin at kita sa mga muka nila ang paghanga. Ewan ko ba sa mga to, araw araw naman akong nakikita pero ganyan pa din. Namamangha pa rin sila sakin. Diko na lang sila pinansin at nagdadaretso sa SCO at sa mismong office ni president summer.

Walang katok katok akong pumasok at nadatnan ko nga ang summer ko na nakangiti sakin. Mukang kanina pa niya ako hinihintay ah,

"Finally, you're here. Im starving," sabi niya habang nakahawak sa flat niyang tyan. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sorry about that myloves," sabay halik sa pisngi niya at nilapag ko na rin ang lunch namin. I cooked adobo this time, pork adobo.

"Hmm.. Ang bango talaga ng mga luto mo snow!" masaya niyang sabi. Ang cute niya talaga kaya diko napigilan na halikan siya sa labi. Kakagigil eh!

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon