Chapter 16: School Games

6.7K 140 0
                                    

Summer's POV

*Riiiiiing*

Ugh. Ano na naman ba yun? Kainis naman! Ngayon na nga lang ako ulit makakatulog ng maayos eh! Hays.
Binangon ko na lang ang sarili ko, at hinanap ang cellphone ko na siyang tumutunog.

"Ugh, yes? Who's this?" aantok antok kong sabi. Hays! Kaantok talaga!

"Oy bes! Ano ba? Asan ka na? 9 am na oh! May laban sila jade at snow today remember? Mamayang 10 am ang laban nila. Otw na ako sa school, mag ayos ka na dyan ah! Halatang kakagising mo lang eh. Dalian mo, sasave-an kita ng seat. Bye!"

Hala oo nga! First day nga pala ng school games ngayon, at may laban sila snow ngayon. Dali dali akong pumunta ng cr at naligo, after ilang minutes nag ayos na rin ako.

9:46 am na. Makakahabol pako!

"Manong! Alis na ho tayo!" tawag ko kay manong kiko. Yung family driver namin, pagkarinig niya ng tawag ko dali dali kaming sumakay at umalis. Baka diko pa masimulan naku!

After 15 minutes nakarating na nga ako sa school. Tumakbo ako papunta sa gym dahil nagtext na rin sakin si sam na nakahanap na siya ng magandang pwesto at tulad nga ng sabi niya, sinave-an niya na ako ng seat.

"Uy pres! Doon daw po kayo pumwesto sabi ni vice." bungad sakin ng lalaki na nakaabang sa gym. Aba! Mukang pinaabang sakin to ni bes para di na ako magsayang ng oras kakahanap sa kanya.

Pumunta na ako sa tinuro ng lalaki kanina. Sa may front bleachers na kitang kita ng malapitan ang players.

"Uy bes dito!" sigaw ni sam. Ngumiti ako sa kanya at naupo na sa tabi niya.
Sakto mukang di pa nga nagsisimula ang laban, mabuti naman!

"Hey Canda Academy! Good day!" bati ng host ng school games. "This is the first day of our school games and please let us support every teams na kasali dito, okay ba?"

"Woooh!" sigaw naman ng mga studyante. Grabe, nakakabingi ang kaingayan nila!

"So now, ang unang maglalaro St. Anthony University and Canda Academy! Let us welcome the players of each team!" dagdag ng host. "For the Canda Academy Volleyball Players, let's have Lean Lazaro the captain!" simula ng ipakilala ang bawat players ng university namin. At unang una pang ipakilala yang lean na yan na halata namang may gusto kay snow! Ugh!

"....Wearing number 9! Snow Grace Kent!" si snow na pala ang tinawag. Omg! Ang ganda at ang hot niya sa uniform nila ngayon. As in hapit masyado sa katawan niya ang jersey niya, kaya kitang kita ang curves ng katawan niya. At dahil maikli ang shorts ng mga volleyball players, kitang kita ang kaputian ng legs nito. Shit!

"Waaaah! Ang new queen!"

"Ang Badass queen! Waaaah! Ang ganda niya talaga!"

"Ang sexy at ang hot mo badass queen!"

"Akin ka na lang queen! Waaaah!"

"Go queen! Talunin niyo yang anthonians na yan!"

"I love you queen!"

"Waaaaaah!"

Napatakip ako sa mga tenga ko. Grabe! Napakadaming fans naman nitong si snow! Ts! Pa ilove you i love you pa silang nalalaman! Hmp!

"Uy bes! Daming fans ni snow noh?"

"Oo nga eh."

"Naku, swerte mo kasi ikaw ang gusto ni snow at nililigawan. Tingnan mo naman, napakadaming gustong maangkin si snow! Swerte mo girl!" sabi ni sam na may pahampas hampas pa na halatang kinikilig. Napapangiti na lang ako.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon