Summer's POV
Umagang umaga pa lang nakapag ready na kaming lahat. Naka display na ang mga balloons, ang tarpaulin na may nakasulat na 'welcome back grandma and granpa' and yung foods na ang mismong nagluto ay si ate kaireen, khail at anne.
Sobra yung pasasalamat ko sa kanila dahil naging succesful ang pag aayos namin. Sana lang matuwa sila lolo and lola. They love surprises, and I know na masusurprise talaga sila ng bongga dito sa ginawa namin.
Umalis na rin sila kanina dahil magpapahinga pa daw sila. Pati si snow umalis na rin muna pero dahil invited silang lahat mamaya, babalik pa sila. At kinakabahan na rin ako ng todo sa magiging reaction ni lolo at lola samin ni snow. Sa relasyon namin.
Parang ngayon pa lang, alam ko na ang mangyayari. Baka palaysain nila ako tanggalan ng mana, naku. Maghihirap na ako huhu. Although I know na di naman ako pababayaan nila mom and dad, masakit pa rin kapag itinakwil ka sa pamilya mo. Hindi na canda ang surname ko, magiging Bora na, which is my mother's surname. Geez.
"Ready ka na sis?"
I sighed as an answer to him. Sobrang kinakabahan kasi ako. Tumabi sakin si kuya dito sa kwarto ko, naka ready na kasi ako naka dress na ako at naka make up na. Hinihintay na lang namin ang arrival nila.
"Its okay sis, I know paps and mams will understand you. They can't just choose who you will be with in the future, its your heart that chooses, and it choose snow. Believe me, they will understand."
"Thank you kuya." humilig ako sa dibdib ni kuya habang nakayakap naman sakin ang isang kamay niya.
Alam ni kuya na sobrang kinakabahan ako. Ayoko sana na ipahalata kaso nahalata naman ni kuya, kahapon pa niya daw nahahalata yung kaba ko. Hindi ko alam kung homophobic ba ang grandparents ko, but I know they dont approve in same sex relationships.
"They're here." sabi ni ate na kakapasok lang. Nakangiti siya sakin but I just half smile back at her.
Tumayo na kami ni kuya at tinapik pa niya ang likod ko. Ngumiti lang din ako sa kanya. Nauna na silang bumaba sakin sa living area but me? Halos diko na maihakbang ang paa ko sa kaba. I took a deep breathe and releases it hard, and shout, "Go lets do this summer!"
Sumunod na ako sa kanila sa pagbaba papuntang living area, nasa hagdanan pa lang ako nakikita ko na agad ang ibang relatives at bisita namin, at nakikita ko na rin ang pamilya ko na yakap yakap nila paps and mams.
Dahan dahan akong bumaba. I checked my phone first to see kung nagtext na ba si snow, pero wala pa. Ang barkada lang ang nagtext na otw na daw sila and I just replied, 'ingat' to them.
After I checked my phone and replied to my friends, tinago ko na agad ito sa secret pocket ng blue dress ko. At pumunta na sa kinaroroonan ng pamilya ko.
"Oh iha," unang bumati sakin si paps na nakangiti at yumakap sakin. Ngumiti rin ako sa kanya at gumanti ng yakap sa kanya. I miss him. Mas close kasi ako sa kanya kesa kay mams na mas strikto. "I missed you." sabi ni paps.
"I missed you too paps. Welcome home!" balik na bati ko. Humalik naman ako sa pisngi niya.
"Iha," tumingin naman ako kay mams. She's wearing her usual face, blanko and naka half smile. Sa itsura pa lang niya na ito? Alam ko na. Alam ko na namamayari talaga ako sa kanya mamaya.
Tumingin naman ako kila mom and dad, sumenyas sila na lumapit ako. Kaya lumapit ako kay mams and hug her, "I m-missed you mams." I said.
Tinapik tapik niya lang ako sa likod ko, "I missed you too iha, but were gonna talk later." mahinahon pero maawtoridad na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Summer Melts the Snow
Narrativa generaleSummer Rain Canda the youngest daughter of the famous family of Canda. The richest in town, and Ranked 2nd richest family in the philippines. She's the president of their school, (she owned it by the way) and the miss good role model as well. She l...