Chapter 48: She's Back?

4.8K 90 1
                                    

Snow's POV

"Snow, tama na yan. Ang dami mo ng nainom oh,"

"Kaya ko pa jade."

"Tama na, tara na iuuwi na kita." 

Di ko na lang siya sinagot at nagpatuloy sa pag inom. Iinom lang ako ng iinom hanggang sa mapagod ako, hanggang sa makalimutan ko siya, hanggang sa mawala na ang sakit na nararamdaman ko sa pag iwan niya sakin.

Di ko namalayan na nasakay na pala ako ni jade sa sasakyan, sobrang nahihilo na ako. Ang sakit na rin ng ulo ko, aish.

"Snow, please. 4 years na ang nakalipas. Matagal na siyang umalis, matagal na siyang wala sa buhay mo. Mag move on ka na," narinig kong sabi ni jade.

Move on? I tried. I tried so fucking times! Naging player ako, papalit palit ako ng babae na pwedeng ipalit sa kanya pero wala! Si summer pa rin ang hinahanap hanap ng letseng puso na to!

"Im sorry snow. Wala akong magawa sa sitwasyon mo," patuloy na sabi ni jade.

May iba pa siyang sinasabi pero diko na maintindihan at nakatulog na ako.

...

*KRIIING KRIIIING*

Argh! Sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong dumilat, di na ako na surprise na makitang nasa kwarto na ako. I should really thank jade for bringing me home everytime na naglalasing ako. Hays.

Di na muna ako bumangon at tumingin na muna ako sa kisame. Andun yung picture namin ni snow kasama si race sa tagaytay. Yung huling araw na nakita, at nakasama ko siya.

Bumalik na naman sakin ang sakit na pag iwan niya sakin. Bakit ba kasi iniwan mo ako summer?

*Flashback*

Sobrang saya namin ni summer kahapon sa tagaytay kasama si race. Pagdating ko sa bahay, pinadevelop ko agad ang picture namin naming dalawa kasama si race. Sobrang saya namin na parang wala ng bukas.

Pero napapaisip pa rin ako. Masaya ako that time pero may kakaiba akong nararamdaman na parang di ko na siya makikita ulit. Pero alam ko naman na di mangyayari yun,

Todo ngiti akong sumakay ng sasakyan ko, may dala akong pagkain namin para sa lunch. May dala rin akong pagkain para kay race. Excited ako na makita silang dalawa. Para kasing anak na namin si race. Hihi.

"Una na ako jade," paalam ko sa kanya. Tumango naman siya agad sakin, mukang inaantok antok pa siya. Haha.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at mabilis na pumunta sa mansyon nila summer. Pagdating ko don, bumaba ako ng sasakyan at nag doorbell. Nakita ko naman agad si manang na nagmamadaling tumakbo papalapit sakin,

"Manang! Si summer po?"

"Naku iha, naku. Umalis na siya, pumunta ka dali sa airport! Baka maabutan mo pa siya, sinama siya ng lola niya papuntang california dalian mo baka maabutan mo pa."

Di na ako nagpatumpik tumpik pa at sumakay ako agad sa sasakyan ko. "Salamat po manang," sabi ko kay manang at umalis na ako agad.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko, buti na lang di masyado matraffic ngayon at medyo smooth naman ang byahe ko. Pero di ako mapakali, aalis siya? Iiwan niya ako? Bakit? Shit.

Naiiyak na ako na bumabyahe papuntang airport, hah! Please summer, please wag ka sumama sa lola mo. Please.

Nang makarating ako sa airport, agad akong pumasok sa loob. Tumakbo ako ng tumakbo papunta sa boarding section, pero dahil wala naman akong ticket di ako pinapasok.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon