Chapter 32: Result of the Plan

4.4K 112 2
                                    

Snow's POV



"Inabangan nila ako sa coffee shop, I mean sa tingin ko kanina pa sila nakamasid sakin, at nag abang ng tamang timing para macorner ako. Pero kasi, ako mismo ang nag lead sa kanila sa likod ng isang lumang bahay. Kaya ayun, four vs. Me ang kinalabasan." sabi ko.

Andito na ulit kami sa school. Kinukwento ko sa kanila yung nangyari kagabi,

"Bakit mo naman sila dinala don?" tanong ni cap.

"Basta. I have my reasons." I said and wink at them. Di na muna nila ako pinag practice dahil masakit pa katawan ko kaya eto, manonood na lang ako ng practice nila.

Nag kwentuhan pa kami ng sandali at umalis na rin ako after. Nilabas ko ang phone ko at may tinawagn akong tao na maaasahan. 

"Is everything fine?" tanong ko sa kausap ko sa phone.

"Yes po. Nakakuha na rin po kami ng sapat na ebidensya laban sa kanila. Mamaya po, malalaman niyo na ang resulta."

"Sige salamat."

Binaba ko na ang tawag at masayang nagpunta sa office ni summer myloves. Mas lalo akong natuwa nung naalala ko ang reaksyon niya kagabi.

*Flashback*

Pagkakita niya saakin bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Argh, the best pain reliever ever!

"Ouch! Aray aray!" yung kaninang tuwa ko at kilig sa pagyakap sakin ni summer eh napalitan ng sakit ng kurut-kurutin niya ako sa tagaliran.

Aw, masakit pa rin kaya katawan ko, huhu.

"Walangya ka! Saan ka galing ha? Bakit may pasa ka? Anong nangyari sayo?" sunod sunod na tanong niya. Halata sa boses niya ang inis at pag aalala. Aw, ang cute niya! Haha.

"Eh ano kasi summer myloves. Ano..." fuck. Bakit ba ako nabubulol?

"Ano?!" hala. Ayan na, naghalukipkip na siya at masama ang tingin sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga ngiti ko.

Ang ganda ganda niya kasi kahit na nakakunot ang noo niya at naiinis. Hays, so ganda talaga ng girlfriend ko.

"Ano kasi.. Pumunta kasi ako sa coffee shop para bumili ng coffee, tapos paglabas ko dumating ang mga RA, nakamotor sila at ayun. Nakipagbakbakan ako sa kanila," sabi ko sabay tungo. Ayoko salubungin ang mga tingin niya, nakakatakot eh. Although, ang ganda at ang sexy niya kapag naiinis siya, nakakatakot pa rin.

Damn. Isang Snow Grace Kent takot? Hays. Sa kanya lang talaga ako ganto, lahat ng pwedeng maramdaman ng tao nararamdaman ko kapag andyan siya. Like, yung naiyak na lang ako sa kanya, natatakot, tapos nagiging korni na rin ako dahil sa kanya. Nagbago na talaga ako all because of her. And I never regreted that. This is a good change for me.

"Diba sabi ko umuwi ka kagad?" tanong niya. Marahan naman akong tumango. Para akong bata na pinapagalitan ng nanay niya. Huhu.

"Alam mo bang halos mabaliw ako ng dika nagrereply sa mga texts ko?! Sa mga tawag ko?! Sobra akong nag alala na halos libutin ko na ang buong kamaynilaan mahagilap ka lang!"

Di ako nagsasalita at nakayuko lang. Natatakot ako, at the same time, naguguilty. I dont know why, dahil wala naman akong kasalanan, I mean meron pala. Yung di ako agad nakauwi.

"Ano? Di ka ba magsasalita ha?"

Nag angat ako ng tingin sa kanya at nahihiyang tumingin. "I-im sorry summer myloves. Uuwi na po ako agad sa susunod, at kapag may pupuntahan pa ako magsasabi ako sayo agad, sorry na.. Kahit na ano ipagawa mo sakin, susundin ko para lang mapatawad moko. Sorry na myloves, di na talaga mauulit. Wag moko ibre-break please.. I mean, wag ka muna makipag break sakin k-kasi mahal talaga kita eh. Promise, makikinig nako sayo myloves. " parang bata na sabi ko.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon