Chapter 37: Cupcake

3.7K 91 0
                                    

Snow's POV

"Oh anong nangyari sayo? Muka kang zombie."

"Shut up jade."

"Nag away kayo ni summer?"

"Hindi!"

"Oh eh bakit sumisigaw ka? Nagtatanong lang eh."

Di ko na lang siya pinansin pa at kumain na lang ng umagahan. Napuyat ako dahil marami akong kinontak na connections namin para lang mahuli yung ugok na lalaki na nanggugulo samin.

Tinawagan ko na rin ang nag hahandle ng hospital namin at sinabi ko na paigtingin ang sekyuridad ng hospital. Na kapag may kahina hinalang tao na pumasok, sundan agad nila. Nagpadala na rin ako ng mga bodyguards namin sa room nila anne and athena.

Di pa kami sure kung goal talaga ng culprit na patayin sila anne and athena pero mabuti na yung handa diba? Atleast, alam namin na ligtas sila. Mapagkakatiwalaan lahat ng bodyguards ng mga Kent, kaya panatag ako.

"Sila ate kaireen asan?" tanong ko kay jade na kumakain na rin.

"Ah, umalis ng maaga dahil may aasikasuhin daw sa isa sa mga bar na hinahandle niya, may away daw kasi na nangyari dun kagabi kaya aayusin na daw muna."

"Ah, si fall?"

"Asan pa ba? Edi kasama ni silver. Nagpapasama daw si silver sa mall kaya ayun, alam mo ewan ko ba sa pinsan mo na yan, nagpapa api kay ashley! Pag sabihan mo nga,"

"Hayaan na lang natin siya. Alam naman niya ang ginagawa niya eh. Tsaka mabuti na rin yun, alam ko na ligtas siya pag kasama niya si silver."

Yeah, tama na rin na magkasama sila ni fall. Si silver magaling yan makipaglaban, may alam siya sa judo kaya panatag ako kahit papano sa kaligtasan ni fall. Si ate kaireen na lang ang problema ko, ayaw niya kasi na may bodyguard na sumusunod sunod sa kanya eh. Hays.

Si jade naman? Lagi naman kami magkasama kaya nothing to worry about her. Si sam and summer? Diko alam kung madadamay sila, pero may mga tao na akong maaasahan na magbantay sa kanila. Di nga lang nila alam,

At si kuya? Diko alam. Tulog pa yata, 10 am pa lang naman eh. Dito naman sa mansion, may sampung bodyguards kami dito kaya safe na safe dito.

"Oh,," naagaw ni jade ang atensyon ko. Pag tingin ko sa tinitingnan niya, nagulat ako.

Si kuya naka business attire. Napatayo ako at lumapit ako agad sa kanya, inalog alog ko siya sa balikat niya. Baka kasi nababaliw na siya o nasisiraan na siya,

"Kuya? Kuya, anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba? Saan ka pupunta?" sunod sunod na tanong ko.

"Ano ka ba sis, okay lang ako.." ngumiti siya sakin, although halata pa rin sa kanya na malungkot siya, "Nahihiya na kasi ako sainyo. You've seen me at my worst, alam ko na naaabala ko na kayo at sobra na kayong nag aalala sakin, but im thankful sainyo kasi andyan pa rin kayo para sakin at inalagaan niyo pa rin ako kahit naging gago ako. Salamat." naiiyak na sabi niya at yumakap sakin.

"Oh jade, halika rito. Hug mo rin si kuya," yumakap na rin si jade samin.

"Hays, namiss ko kayo. Mamaya may hug din sakin sila kaireen at fall, haha. Anyway, papasok na ako. Ayoko naman na magmukmok na lang dito," sabi niya.

"Tama yan kuya bullet," -jade

"Ah kuya, may favor lang sana ako."

"Oh ano yun lil'sis?"

"Pwede bang si kuya rod na lang yung driver mo? Wag ka na muna mag drive?"

Si kuya rod, mapagkakatiwalaan na bodyguard namin siya. Kailangan mabantayan rin si kuya kaya sinasabi ko ito sa kanya.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon