Chapter 39: The Truth about the Culprit

4.1K 98 0
                                    

Snow's POV

"Scarlet Riyen?!"

Sigaw naming lahat. Siya lang pala yung babaeng nagwawala ron sa labas. Ano naman kayang kailangan nito? Sa school kasi, hindi niya na kami pinapansin, after ng practice daretso alis na siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Sige kuya rod, pwede niyo na po kami maiwan, kaibigan po namin siya." sabi ko kay kuya rod.

"Pasensya na snow. And guys?" nahihiya niyang sabi. Doon ko lang napansin yung suot niya, naka hoodie siya tapos naka jogging pants.

"Okay lang, maupo ka na muna." aya ko sa kanya. Yung mga kasamahan naman namin, nakatingin lang sa kanya at halatang nagtataka din.

"May sasabihin din sana ako, napaka importante." paninimula niya. Halatang seryoso siya sa sasabihin niya kaya sumeryoso na rin kami.

"Mabuti na rin pala at andito kayong lahat," sabi niya pa rin.

"Ah guys, siya si scarlet, schoolmate namin, and classmate and teammate namin." pakilala ko sa kanya sa mga barkada ko. Syempre di pa nila kilala si scarlet.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong ni my loves. Di naman siya galit, kalmado lang siya na nagtanong kay riyen na katapat na namin ngayon.

Katabi niya si kuya, jade at sam sa kaliwa. Sa kanan naman, si ate kaireen, fall at silver. Di bale, kuya bullet, jade, sam, scarlet, ate kaireen, fall at silver.

Tapos mga katabi ko naman, si athena, anne, khail, jace, summer at ako. Magkakatapat kami. Lahat kami seryoso na sa sasabihin ni scarlet, ramdam kasi namin na importante talaga ang sasabihin niya. Di naman yan susugod dito kung hindi eh.

"Its about the happenings that already occured on your loved ones snow." seryosong sabi niya sakin. Mas lalo akong nagseryoso sa sinabi niya.

Ibig sabihin, aware siya sa nangyayari samin? Ibig sabihin, posibleng may alam siya sa culprit.

"Alam ko lahat ng nangyari sainyo. Una, sa kuya bullet mo at sa fiance niya. Pangalawa, sa mga kaibigan mo. Pangatlo, sa mga pinsan mo. Alam ko lahat yun," -scarlet.

"Pano mo naman nalaman?" tanong ni jace. Seryoso na kaming lahat.

"Kilala niyo si Hannah Greene right?" -scarlet

Hannah? Teka. Pano naman niya nakilala si hannah? At ano namang kinalaman niya dito? Bago pa ako nakapag tanong, naunahan na ako ni jade.

"Pano mo naman nakilala si hannah?" tanong ni jade.

"Makinig kayong lahat. Si hannah, may kapatid siya, si Joshua Greene." -scarlet.

"Teka, only child si hannah," sabi ko.

"Yun ang akala niyong lahat. Pero hindi, may kapatid siya, yun ay si joshua nasa america siya the whole time kaya di niyo na siya kilala. Anak siya ni Mr. Reginald Greene, ang ama nila hannah at joshua. Si josuha, anak siya sa labas ni reginald at di siya tanggap ng asawa nito na si Kath, ang nanay ni hannah. Kaya pinadala siya ni reginald sa ibang bansa para doon manirahan dahil nga di siya tanggap ni kath. Pero alam niya na may kapatid siya, at ayun nga ay si hannah." huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.

"Mahal na mahal niya ang kapatid niyang si hannah. He even accepted his father's wish na wag nang ipakilala na anak siya ni reginald. Na isa siyang Greene, para sa kapatid niyang si hannah. Lahat kaya niyang gawin para sa kapatid niya, pero nung namatay si hannah, nag iba na siya. Ang dating masayahin, at happy go lucky na joshua, naging isang tahimik at rebelde na joshua. Hindi niya matanggap na wala na yung kapatid niyang babae, at hindi niya matanggap na aksidente lang yon, kaya nag hihiganti siya." sabi ni scarlet.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon