Chapter 13: Tired but happy

7.4K 167 8
                                    

Snow's POV

"Hmmmm.." I hummed while cooking breakfast. Ang ganda sobra ng gising ko, know why? Pumayag si summer na ligawan ko siya! Yes!

"Aba aba, saya mo pre ah?" humarap ako kay jade at smile. "Alam mo naman kung bakit eh." sabi ko.

"Oo nga. Pero pre, ang weird mo talaga. Ganyan ka ba mainlove? Panay na ang ngiti mo. Nakakakilabot na--aray!" hm, binatukan ko nga. Tsk. Oo may pagka cold ako pero ngumingiti rin naman ako noh! Lalo na kapag sobrang saya ko.

"Tumahimik ka nga jade!" bulyaw ko sakanya. Tatawa tawa eh mukang tanga.

"Sorry na pre. Di ako masyadong sanay eh. Anyways, ganda ng gawa namin ng barkada at ni sam noh? Naku. Halos magkabeke kami sa kakaihip sa mga balloons!"

"Tsk, sinabi ko ba kasi na ihipan niyo? Eh may pangbomba naman ng balloons ako na binili!"

"Oo nga pero 3 lang yun! Eh konti lang ang oras na binigay mo samin kaya no choice na, nag ihip na lang kami ng ibang balloons."

Naupo na kami at nagsimula ng sumandok, "But thanks again guys. I owe you one."

"Sus wala yun. Bayad ka na! Lalo na ang dami mo ng naitulong sakin. Anyways, ang dami mo namang niluto?" tanong niya habang nasubo na sa pagkain.

"Yeah. Babaunan ko si summer. Magkukulong na naman yun sa office niya eh."

"Nakanam! Inlove ka na nga pre! Laki na ng pinagbago mo! Hahaha"

Inirapan ko lang siya at binilisan ang pagkain. Kailangan kong sunduin si summer, aba syempre manliligaw eh. You know, suitor duties.

After ko kumain, sinundo ko na nga si summer at andito nako ngayon aa loob ng bahay nila. Gising na rin ang .mommy niya, daddy niya at pati yung ate at kuya niya. Hinihintay lang namin siya bumaba kasi nag aayos pa siya.

Lahat kami nakaupo sa sala, tahimik habang hinihintay siyang makababa nang biglang nagsalita yung daddy niya,

"Snow."

"Po?"

"Seryoso ka ba talaga sa anak ko?"

"Hon naman! Natanong mo na yan sa kanya kagabi diba?" sabi ni tita, mom ni summer.

"Opo. Seryoso po talaga ako tito."

"Kung ganon.. Kaya mong tiisin ang pagiging bossy niya? Ang pagiging isip bata niya minsan? Ang pagiging workahalic niya?"

Natawa ako ng bahagya kay tito.

"opo tito. Tanggap ko po lahat yun. I love her tito, even with her flaws." nakangiti kong sabi. Tumango tango naman ito habang nakangiti. Ganun din ang mom ni summer at yung dalawa niyang kapatid, nakangiti sila sakin na parang tanggap na tanggap na nila ako sa pamilya nila at para kay summer.

Sobrang sarap sa pakiramdam na legal kayo sa pamilya ng taong gusto mo. Hindi ko maexplain ang saya, basta sobrang nakakaoverwhelmed, diko tuloy mapigilan mapangiti ng todo.

Bahala na kung magmuka akong baliw basta masaya ako. Maya maya lang bumaba na rin si summer na nakaligo na rin at naka uniform. Tumayo nako, sabay na kaming nagpaalam kila tito at tita pati na rin sa ate at kuya niya.

Sumakay na rin kami sa sasakyan.

"Snow, di mo naman kailangan na sunduin moko. I-I mean, andyan naman yung driver namin, nakakahiya naman kasi d-diba may practice ka pa?"

Ngumiti ako sa kanya, "Yeah. Pero maaga pa naman. Tsaka ihahatid sundo na kita mula ngayon, and I dont take no for an answer."

"Okay, ikaw bahala." nakangiti niya na ring sabi. Pagkarating namin sa school, bumaba na kami.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon