Chapter 31: The best pain reliever ever

4.8K 109 1
                                    

Snow's POV

Monday na at ngayon na ang laban namin sa riyen. As usual, mahuhuli na naman ako kaso dadaan na muna ako sa gym to drop off my bag then balik sa office ni summer. I packed some sandwich for her, para kapag nagutom siya may makakain siya.

Napapansin niyo siguro lagi ko siyang pinapakain noh? Haha. Wala lang, gusto ko lang talaga na pakainin siya ng marami para di siya nalilipasan at magkasakit, napaka workaholic pa naman nun. Tsaka para naman magkalaman siya, medyo payat kasi eh. Parang kim chiu ang payat niya, pero mas maganda naman syempre yung myloves ko! Hehe.

Pagdating ko sa gym, expected ko na naka ready na for the game later pero napansin ko na nag uusap sila cap, coach and teammates. Nilapag ko muna yung mga dala ko at lumapit sa kanila.

"Yo guys," pagkuha ko sa atensyon nila. Tumingin sila sakin at nag half smile na parang may kaba na ewan?

"Buti at andito ka na,"

"Why coach? Wala bang laban ngayon?" I asked.

"Wala. Na move siya, sa wednesday na daw ang laban. Tsaka nga pala, alam niyo naman na secure na ang pwesto ng Ren sa finals diba? At kung sino man ang mananalo satin at sa riyen academy sa wednesday, yun ang makakalaban ng Ren. You're aware of that right?" sabi ni coach. Um-oo naman kami. "But guys, I know it'll sound weird but, dont.. Dont trybtoo hard to win against Riyen. Ayokong mapahamak kayo ng Ren." nagulat naman ako. So coach knew?

"Yes guys, I know. Dahil kahit ako, binabantayan ng Ren. Kaya doble ingat din ako, I was about to warn you guys but I heard all of you na pinag uusapan na yun so I didn't bothered to tell. Guys, you know how Ren Academy can play dirty, para makalaban nila ang Riyen at makaganti, so guys I want you na.."

"Magpatalo?" pagpapatuloy ko sa sasabihin ni coach. Bahagya siyang tumango, na kinanootan namin ng noo lahat. Geez, kami? Magpapatalo? Para ano? Para di naman makalaban ang mga duwag na Ren Academy na yan?! NO WAY!

"No coach. Were gonna face them, head on." seryosong sabi ko.

"Were not afraid of them coach. They're just like dogs who hide their tails at their back." irap na sabi naman ni jade.

"And coach, just trust us okay? Kaya namin yang Ren Academy na yan, were not weak!" sabi naman ni cap.

"Were gonna fight." sabi ni royan.

"And were gonna win." sabi ni jing at jane.

Naiiling na nangiti na lang si coach samin na halata ang pagka proud. "That's good girls, but please be more careful now okay?"

"Yes coach!" sigaw namin lahat. Yeah, 'namin' dahil pati ako nakisigaw na rin. Minsan lang naman eh, nasa mood ako ngayon haha.

"Anyway guys, wait for me. May ihahatid lang ako kay summer." sabi ko at diko na sila hinayaan pang magsalita dahil takbo agad ako at kinuha ang sandwich na gawa ko for summer.

Tumakbo ako papunta sa office niya, pagdating ko dun, nakatulog siya. Napuyat yata myloves ko? Nagdahan dahan na lang ako na lumapit sa kanya. She's peacefully sleeping. She looks so adorable ang beautiful kahit tulog. Damn.

Kiniss ko na lang siya sa cheeks niya at nag iwan ng note sa table niya together with the sandwich I made for her. Then humalik ulit ako sa kanya then balik ulit sa gym para sa training.

...

Tapos na yung practice at klase. And im here sa usual na tambayan ko sa rooftop,  may meeting yung myloves ko eh. Hays.

"Sabi ko na nga ba at andito ka lang eh,"

"Oh ikaw pala fall,"

Tumabi si fall sakin at nakikuha bg chips na kinakain ko,

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon