Chapter 53: Twins

6.1K 111 2
                                    

Snow's POV


"My loves, gusto ko ng durian."

Here we go again, kakauwi ko lang galing trabaho at mga siguro 2 oras pa lang akong nakakatulog ng gisingin na naman ako ng asawa ko.

"Hmm, maaga pa summer. Bukas na lang," aantok antok kong sabi at tumalikod sa kanya.

Antok pa talaga ako, please summer kahit isang oras na lang patulugin mo pa ako. Huhu.

"Eh gusto ko ngayon na eh," nagmamaktol na siya na parang bata. Nararamdaman kong umaalog na ang kama tanda na nagtatrums na naman siya.

Wala na akong nagawa kaya tumayo na ako at kinuha ang susi ng kotse ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko bago tumingin sa kanya. Nadatnan ko naman siya na nakaupo nang pang indian seat at nakalabi yakap yakap pa ang paborito niyang unan ko.

"Hm, so ano gusto ng mahal ko?" malambing na tanong ko. Kahit na medyo naiinis ako dahil this past weeks, sobrang nakakaloka siya.

"Gusto ko ng durian, fresh from davao." parang bata na sabi naman niya.

Napakamot naman ako at napangiwi. Seriously? Durian fresh fron davao? Edi lilipad pa ako papuntang davao nito? Kaloka talaga.

"Pero myloves, malayo ang davao dito,"

"Kahit na! Eh gusto ko fresh from davao eh, bahala ka kung ayaw moko sundin basta yun ang gusto ko!" nahiga ulit siya at tumalikod sa gawi ko. Napakamot na lang ako.

I guess I dont have a choice.

I grab my phone and contacted my bestfriend, jade. Sinagot naman niya agad ang tawag ko,

"Hm pre? Bakit ba? Ke aga aga pa oh. 1 am pa lang." narinig ko pa siyang humikab na ikinatawa ko ng mahina. Paktay ako nito, naistorbo ko na naman siya.

"Ah eh kasi pre, gusto kasi ni summer ng durian fresh from davao, wala akong kasa--" di ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng patayan niya ako ng tawag.

Shit. Si jace na lang! I dialed jace number and he answered it quickly,

"Oh snow, bat gising ka pa?" bungad niya. Maingay sa background niya kaya alam kong nasa bar niya siya ngayon.

Tamang tama baka pwede siya!

"Ah jace, si summer kasi gusto ng davao este durian galing sa davao, eh wala akong kasama pwede ka ba?"

"Naku, pasensya na. Sobrang dami ng tao dito sa bar, di ako pwede na mawala na lang dito. Kasama ko nga si anne, athena at khail dito dahil sobrang dami ng tao ngayong gabi, pasensya ka na di kami available ngayon ah."

Napabagsak naman ang balikat ko. Aw, sayang.

"Sige jace. Salamat."

Pinatay ko na ang tawag at nag scroll down ng pwedeng matawagan sa contacts ko. Nakita ko ang number ni riyen, tatawagan ko na sana kaso nasa ibang bansa nga pala siya. Si fall naman, may pinaghahandaan na exam kaya di siya pwede. Si ate kaireen mas lalong di pwede dahil siya na ang naistorbo ko kagabi eh.

Sino pa kaya? Sila mom and dad naman, nasa ibang bansa din. Ganun din ang parents ni summer, next week pa ang uwi nila. Paktay na!

Nag scroll down pa ako, at nakita ko ang number ni silver. Sakto! Tinawagan ko agad siya. Naka ilang rings pa bago niya sagutin ang tawag ko,

"Bakit?" tanong niya. Halatang bagong gising lang.

"Ano kasi, pasensya ka na. Pero pwede ka ba ngayon? Si summer kasi,"

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon