Chapter 17: Meet the Parents

5.9K 141 1
                                    

Summer's POV

"Pwede ba bes? Kumalma ka nga! Kanina ka pa paikot ikot dyan, akala mo naman may magagawa yan!"

"Hays! Eh ano gagawin ko bes? Sobra akong kinakabahan? Pano kapag di ako nagustuhan ng parents ni snow ha? Biruin mo, nililigawan pa lang ako ni snow pero di naman pala approve sakin yung parents niya! Aish!"

"Talagang di mag aapprove yun kung ganyan ka! Maupo ka nga! Halata sa mga mata mo na di ka nakatulog ng maayos! Ano haharap ka sa future in laws mo ng ganyan ang itsura mo? Muka ngang zombie!"

"Eh naman bes eh!"

Nagkakagulo na kami ni sam dito sa room ko. Tinawagan ko kasi siya kaninang umaga na nagpapatulong ako sa kung anong pwedeng suotin mamaya sa pagpunta kila snow. Tapos nag text na rin sakin si snow na mamayang 6 pm susunduin niya na daw ako. May oras pa naman kami kasi 4pm pa lang naman pero natataranta na agad ako at sobrang kinakabahan.

Sobrang dami ng nakakalat na damit sa kama ko at I dont know what to wear! Geez!

"Bes, ano kaya kung pumunta muna tayo ng mall? Bibili ako ng bagong dress? What do you think?" tanong ko kay sam. Marami naman akong dress dito at karamihan sa mga yun di ko pa nga nasusuot, kaso diko talaga alam kung anong susuotin ko eh.

"Ano ka ba? Magsasayang ka lang ng pera at oras! Napakadami mong dress dito and I know na not all of them eh nasuot mo na, tsk. Halika nga dito, eto isuot mo." inabot niya sakin yung black na dress. Teka? Saan to galing? Parang wala naman akong ganito na dress?

"Bes, san to galing?"

"Tsk. Bigay ni mom mo yan kanina, eh pano di mo na napansin kakalakad at kakaisip dyan. Oh dali! Isukat mo."

Wala na akong nagawa at pumunta na lang ako ng cr. Maganda naman pala itong dress na bigay ni mom eh, napakasimple pero elegante tingnan. I think its because its black? I mean. Black is elegant. And ang silky rin ng tela niya, panigurado mamahalin to. Tsk si mom talaga ang hilig sa mga ganitong dress na mamahalin.

Ilang sandali lang lumabas na ako sa cr at pinakita kay sam ang suot ko.

"Wow! Simple yet very classy bes! Bagay na bagay sayo! Naku, ang galing talaga ni tita pumili ng mga dress mo." tuwang tuwang sabi ni sam. Napangiti naman ako, sa lahat ng sinukat ko na dress ito talaga ang nagustuhan ko.

"Okay na to, ito na lang isusuot ko."

"Talagang yan na! Grabe ha, inubos natin halos tatlong oras kakasukat ng ilang dress mo at wala na tayong time para pumili pa ulit noh. Oh siya, halika sumama ka sakin!"

Nagulat ako ng bigla akong hinila ni sam palabas ng kwarto. "Uy bes, san tayo pupunta?"

"Dyan lang! Ay wait, suotin mo muna ito." bumalik siya saglit sa kwarto ko at kumuha ng sandals. "Yan na muna suotin mo, mamaya ka na mag heels. Tara na dali." hinila na naman niya ako pababa at palabas ng bahay.

"Tara na manong alis na tayo. Punta po tayo sa Enca Salon." sabi ni sam sa family driver namin. Aba, balak niya pala akong dalhin sa salon. Sabagay, kailangan kong maayusan para naman maganda ako kapag haharap na ako sa parents ni snow.

Tahimik lang kaming bumyahe. Maya maya nakarating na rin kami sa salon at agad naman ako inasikaso ng staff don. Tita ni sam may ari nitong salon kaya kilala na rin ako dito, nung inasikaso na ako ng staff dito tsaka naman umalis si sam. Saglit lang naman daw siya at babalik agad.

After halos 1 hr. Natapos na rin sila sa pag aayos sakin. Minake-up-an na rin nila ako pero light lang. Ginawa nilang curly sa ibabang bahagi ng buhok ko, at nilagyan nila ng konting highlights sa ibaba. And what can I say? Mas lalo akong gumanda! Magagaling talaga ang mga staff nila dito.

Summer Melts the SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon