Kylie's Point of View
I am now on my way to my school or should I say, papunta palang. Transferee student ako sa MIS bilang grade 9. Tinuro naman ni kuya papunta doon kaya alam ko na ang papunta. Medyo may kalakihan ang school na'to pero masyado lang ata akong magaling magmemorize dahil hindi ako naligaw ni minsan sa pabalik balik ko rito. And pinili ko rin ang school na ito dahil nandito ang dalawang kaibigan ko na si Cheska and Jasper.
Sobrang late na ako kaya grabe na ang kabang nadarama ko. Si mama kasi ay hindi ako pinaalis hangga't di ako busog. Gusto nyang walang mali sakin bago ako pumasok myghad.
Pag karating namin sa MIS ay diko pa din maiwasang mamangha. Nagpaalam na ako kay kuya nardo at mabilis lumabas ng kotse. Wala na akong makitang estudyanteng palakad lakad but I still act cool. Minsan lang ako ma late. Sulitin natin. Nakakaexcite na nakaka kaba.
Pagkarating ko sa magiging room ko ay nakita ko na ang teacher na di ko pinangarap na magturo. Kilala kaseng terror ito na gigisingin ang diwa mo sa sobrang lakas ng boses.
Oh by the way, sinabi lang naman ni kuya ko yan kaya alam ko. Tinatakot pa nya ko na parang sira. But I don't want to judge, mukha naman syang mabait... sana.
"Oh!! You're late? What's your name, miss!?" Nakataas na kilay na sabi nya. Medyo na rindi ako sa tinis ng boses nya.
"I'm Kylie Mendoza po.." magalang na pakilala ko.
"Mendoza huh.. ka ano ano mo si Kyle Mendoza!?"
"Kuya ko po."
Nag bulungan ang klase habang ang ilan ay tinuturo turo ako. Ano naman kung kuya ko yun mokong na yon?
"Alright, you may now sit next to that guy!! Beside of MR. PARK. Yung nasa dulo!" Tinuro nya ang lalaking nakaduko sa pikadulo.
I don't know pero may diin ang pagkakasabi nya ng Mr. Park. May galit lang ma'am?
Papasok na dapat ako ng hawakan ako sa braso ng teacher. Tinaasan nya ako ng kilay at parang kinalatis na ang buong pagkatao ko.
Sa sobrang tagal nya nakatitig sakin pakiramdam ko alam nya na buong pagkatao ko. Feeling ko tuloy alam nya na sinong destiny ko.
"Wait, I forgot to introduce you. You're a transferee right? Come here.." napapikit ako sa narinig. "Class! This is your new classmate.. miss mendoza, introduce yourself." wala na akong kawala neto.
Bakit kaya hindi nawawala yung introduce yourself na yan?
I stand straight and show them my prettiest smile.. even though my knees not cooperating. Holala~
"Hello classmate. I'm Shane Kylie Mendoza, your new classmate. Its nice to meet all of you, thank you.."
"Ang ganda pre.."
"Oo nga! Walang aagaw ah!?"
"Gago pupormahan ko mamaya yan.."
"Asa pre.. 'di ka papansinin nyan"
"Enough!! okay you may now sit, miss mendoza." sabi ng teacher at doon palang ako nakahinga ng maluwag.
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Teen Fiction(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...