Nanlalaki ang mata ko sa hawak ko. Potangina.. sinong di magugulat? Tumingin ako kay mikaelle na maski sya ay nagugulat din sa hawak ko.
Banana flavor. Small???
"M-mikaelle? J-juts ka?" Tanong ko.
"What? Oh fuck kylie put it down!" Parang don palang sya nakapagsalita. Tumili ako at mabilis kong hinagis sakanya. Napasigaw din sya at sinapo iyon at basta nalang hinagis sa kung saan.
Akala ko pa naman tuluyan na akong mamangha sa kwarto nya! Akala ko candy yun na banana flavor tas.. arghhh!!! Omygosh! Nagiinit ang pisngi ko habang iniisip ang bagay na yon.
"K-kylie let me explainㅡ"
"No you don't have to. Alam ko yon dahil kay kuya kyleㅡ"
"But I'm not fucking using thatㅡ"
"Ginamit mo, o hindi nakita ko na. Nasa isip ko na. Sana naman pinakatago tago mo para sa future girlfriend mo na dadalhin mo dito. Small.."
"Damn! It's not small! Do you want to see it so you'll believe me!?" Nanlaki ang mata ko. Mabilis akong dumampot ng unan at pinagbabato sya!
"Animal ka! Susumbong kita sa magulang mong walang hiya ka!!" Sigaw ko at humalakhak lang ang siraulo!
"Hey! Calm down! That's not mine! It's from Ivan! Hear me!?"
Tumigil alo sa pagbabato sakanya at sinamaan sya ng tingin. Bat nadamay si ivan dito!?
"Dinadamay mo pa si ivan sa kamanyakan mo!"
"What the... damn bat ayaw mo maniwala? Si Ivan nagbigay nyan. Nilagay nya sa jacket ko nung nagparty kami sa bahay nila. Lasing ako non kaya wala ako sa sarili at nakalimutan ko nalang itapon sa sobrang busy. Maniwala ka hindi akin yan! Hindi kasya sakin kylie! Hindi smallㅡ"
"Mokong kaaaa!!" Pinagbabato ko ulit sya ng unan at pinagsasangga nya ang braso nya habang tumatawa.
--
Nandito kaming muli sa likod bahay nila at maganda na talaga ang view dito dahil malapit ng lumubog ang araw. Pinapanood ko lang si mikaelle at sa sobrang boring ay nagbabasa ng wattpad sa cellphone. Tumigil lang ako ng mangawit ang pwet ko kakaupo. Tumayo ako at kinuhanan ng picture si mikaelle habang busy sa pagpinta. Nagpicture din ako at nasa likod ko sya. Pagkatapos ay ngisi ngisi kong pinost sa ig at fb with caption na 'sana all sineseryoso' hahahaha!
Tinago ko lang ang ngiti ko ng sulyapan ako ni mikaelle na parang trabaho ko lang ay idistract sya. Nagpeace ako at umupo na ulit sa tabi nya. Diko mapigilan mapahanga sa galing nya na parang totoo at print lang. Halos patapos na nga at parang nilalagyan nalang ng parang enchanted effects.
"Oh, laway mo tumutulo."
Mabilis kong tinakpan ang labi ko at sinamaan ng tingin si mikaelle. Epal talaga eh. Pasalamat sya nagandahan ako sa gawa nya. Kahit dito lang.
"Sira ka, sabi mo hihingi ka ng tuloy sakin! Tinapos mo halos! Anong ambag ko dyan!?" Reklamo ko.
"Manuod? Tumitig? Mangdistract?" Lalo ko syang sinamaan ng tingin.
"Nyenyenye! Seryoso kasi! Iiwan kita dito!"
"Hahahaha! Joke lang. Wag ka magalala, lalagay ko pa din pangalan mo." Tumitig sya sa mata ko, "Ambag mo talaga ay gisingin diwa ko. Titigan lang kita, nawawala na antok ko." Kinindatan nya ko at diko mapigilan palamulahan ng mukha sa sinabi nya.
"T-tse! Ituloy mo na nga yan para makauwi nako samin.." tumango sya at nagpatuloy na ulit sa ginagawa.
Palihim nalang akong ngumiti at pinanuod ang paglubog ng araw.
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Novela Juvenil(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...