Kylie's Pov
Napatigil ako sa pagsipsip sa milk shake ko ng biglang tumunog cellphone ko. Tamad ko itong kinuha sa bulsa ko.
From: Kuya Kyle
Punta ka sa likod ng locker area. May makikita kang maliit na bahay dun tas pumasok ka.
Nanliit mata ko. Bahay? Ako? Papasok dun? Niloloko yata ako neto eh. Ano ako tanga? Bleh.
To: Kuya Kyle
Ano ako uto uto? Bat ako papasok? May multo dun no?
From: Kuya Kyle
Sira nandon kami. Pumunta kana bilisan mo.
Natulala ako sa dalawang naghaharutan sa harap ko. Ano nga palang ginagawa ni kuya rito? College na sya kaya nakakapagtaka na nadito sya sa school namin na pang high school. Nagkibit balikat nalang ako at tumayo na.
"May pupuntahan lang ako." Napatingin sila sakin.
"Saan ka pupunta? Alam mo na ba pasikot sikot dito? Baka maligaw ka.." nagaalalang sabi ni jasper.
"Malaki na sya jasper. Matandain yan kaya alam nya bumalik." Sagot ni cheska na inaayos ang hanggang balikat nyang buhok.
"Hahaha osige na. Mauna nako." Ngumisi lang ako sakanila bago tumalikod.
Naglakad na ako papunta sa likod ng locker area. May bahay sa likod neto? Ang galing naman. Parang nagka secret dorm ang school huh. Bago ako pumasok sa eskinita sa gilid ay nagdadalawang isip ako. Pano kong puro palat pala sa likod neto? May mga bigla nalang umatake sakin? Bago pa ako makapunta ay may biglang humatak sakin na kinagulat ko.
"Miss! Wag ka papasok dyan.. delikado." Parang di mapakali ang babaeng makapal ang salamin. "Pinagbabawal pumasok dyan." Aniya at tumakbo.
Mas lalo akong kinabahan. Ano bang meron sa likod neto? May nangangain ng tao? May bigla nalang nangrarape? Bigla ka nalang papatayin? Jusko ang hirap maging transferee punyeta. Sa sobrang kuryoso ko ay pumasok ako ng kaonti at sumilip.
Garden ang bumungad sakin at maliit na bahay. May nakatira bang serial killer dito? May nakita akong limang lalaki na kumakain sa round table.
Mas lumapit pa ako dahil hindi ko masyadong nakikita ang mga mukha nila.. and he's here, my brother. Para akong nakahinga ng maluwag. Tumingin ako sa paligid at hindi ko mapigilan mamangha sa ganda.
"K-kylie?" napatingin ako sa tumawag sakin and I was a little bit shock when I saw mikaelle.
"Uyy!! Nandito ka pala." Nahihiyang bati ko bago tumingin kay kuya. "Kuya! Bat mo ba ko pinapapunta dito? Ano palang ginagawa mo dito sa school namin?" Tanong ko at nilibot ang tingin sa mga kasama nya. They're all surprised. Bigla tuloy ako nahiya dahil naabala ko sila.
"Kapatid mo sya!? Sya yon!?" sigaw nilang lahat kay kuya. Walang pakielam lang na tumango si kuya at kumain na ulit. Takaw kala mo di kumain ng ilang araw.
"Why you didn't tell us? Nandito na pala ang kapatid mong babae!" Sabi ng lalaking mukhang playboy.
"Aba gago, kailangan ko pa ba sabihin sainyo?" Ismid ni kuya.
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Novela Juvenil(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...