Chapter 11

2K 62 0
                                    

Kylie's Pov

Nagising ako ng may narinig na bumagsak at malutong na mura. Nagunat ako at humikab. Parang lumulubog ako sa lambot ng kama. Pikit mata kong inistretch ang kamay ko kung saan ang pwesto ni amber. Pero parang iba ang nakapa ko.

"Goodmorning."

Minulat ko ang mata ko at halos mamutla ng makita si mikaelle na nakaupo sa gilid ng kama. Mabilis kong nilayo ang kamay ko sakanya at nagtago sa comforter!

Omygod! What's that!? Nagiilusyon lang ba ko? Nananaginip pa din!? Tinignan ko ang katawan ko at nakahinga nang maluwag ng wala naman mali. Unti unting pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi pero limitado. Nagiinit ang katawan ko sa hiya. Sumilip ako sa comforter at tinignan si mikaelle na preteng nagbabasa ng libro. Nilingon ako neto at nginitian kaya nagtago muli ako. Ano ba kylie!

"Stop hiding yourself. Come on, let's take a breakfast." Binaba ko na ang comforter at naupo. Sinarado naman nya ang libro. Nakaramdam ako ng kirot sa utak kaya napapikit ako saglit bago sya binalingan muli.

"Teka, ano palang nangyari kagabi?" Seryosong tanong ko. Medyo kumikirot ang ulo ko.

"You got drunk."

"Ha? Ako? Bat ako? Ikaw yung nagwiwine tas juice lang iniinom ko kaya bat ako yung nalasing!? Niloloko moko eh!"

Mabilis kong inayos ang sarili ko ng lingunin nya ko. Nakakahiya. Natigil ako saglit sa pagsuklay ng buhok ko sa daliri ng makita sya ng tuluyan. Mukha syang puyat at ang lalim ng eye bags nya..

"I'm not. Hinaluan nila ng alak yung juice. Late ko na narealize nung medyo nagkakatama kana."

"Natulog ka ba?" Nanliit mata nya sakin bago umiwas ng tingin.

"Not really. Bukod sa hindi ako sanay sa sofa matulog, hindi mo ako pinatulog." Umismid sya at tumayo.

"Luh ako? Bakit? Anong ginawa ko?" Diko mapigilan kabahan.

"May sinabi ka."

"Ano nga?" Hala! Ano naman sinabi ko jusko po!

"Wala ka talagang maalala?" Takang tanong nya. Naiirita ko syang binato ng unan na hindi nya inasahan kaya natamaan sa mukha.

"Itatanong ko ba mikaelle kung may naalala ako!? Nakakairita ka!" Humagalpak sya ng tawa at nagtago sakin sa likod ng kurtina. Kala mo naman matatago sya eh malaki pa sya sa kurtina.

"Diko na sasabihin. Inaaway moko!" Umawang ang bibig ko.

"Hindi na! Sabihin mo na kasi. Pinapakaba moko." Ngumuso ako.

Lumabas naman sya sa kurtina at pinakatignan ako. Sumeryoso sya kaya medyo kinabahan ako lalo na naririnig ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Patalon syang umupo sa kama nya ng hindi tinatanggal ang tingin sakin.

"May nakilala ka na kapangalan ko. Mikaelle Stephen din. Ano kase? Childhood friend? Yun."

''What the heck!? Are you k-kidding me? Sinabi ko ba talaga yun?" Tumango sya.

"Kailan at saan mo sya nakilala?" Tanong nya habang lumalapit sakin kaya napapaatras ako.

"H-huh? B-bakit ba interesado ka? Porket kapangalan mo lang.."

"Yeah right! Kapangalan ko nga lang bakit nga ba mukhang interesado ako!? Ano naman diba?" Sarcastic na sagot nya at nagcross arms nalang saka umiwas ng tingin.

"Nakilala ko lang yun sa korea. 6 to 7 years old ata ako? Ay basta! Matagal na yon. Baka nga di na nya ako kilala." Napatingin syang muli sakin na parang ang lalim ng iniisip nya.

BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon