Kylie's Pov"Waaaaggggg!!" Sigaw ko dahil tumatakbo na si cheska papunta sa direksyon ng matandang librarian.
"Cheskaaaa!!" Sigaw din ni jasper.
Halos maistatua kami ng makita naming nakalapit na si cheska sa matanda. Patay! Dead end na!
"Hoy gurang!! Alam kong matandang dalaga ka kaya bitter ka pero bakit mo sinampal si kylie ha!? Inggit ka no!?"
"Anong pinagsasabi mong bata ka!? Wala kang galang ha!?" Sigaw din ng matanda. Pansin kong dumadami na ang nakikichissmis.
"Sabihin na nating totoo yon!! Pero alam mo bang pwede kang makasuhan ng child abuse ha!? Gurang!"
"Aba loko kang bata ka ha!? Sino bang sinasabi mong sinampal ko ha!? Wala akong sinasampal!!"
"Weh!? Painosente kapa!! Kala mo diko napapansin na tinitignan mo ko ng masama kapag nandito ako! Inggit ka kase sakin!! Tska takot mo nalang mawalan ng trabaho!!"
"Sumosobra kanang bata ka ah!! Wala kang galang!!" Lahat kami napasigaw ng lumalapit ang matanda kay cheska. Akma na nyang susugurin ito ng may sumigaw.
"Anong kaguluhan ito!?"
Lahat kami napatingin sa entrance ng library at halos manginig kami sa takot ng makita namin ang principal... ang lolo ni mikaelle. Hindi sya nagiisa bagkus ay kasama nya rin ang mga kaibigan ni mikaelle na sila jacob.
"Ahhh s-sir pwede po bang pagusapan ito?" Kinakabahang sabi ko.
"Sge. Pumunta kayong lahat sa opisina ko. Lahat ng involve rito.. kasama ka maam pingol."
Nakahinga na ko ng maluwag. Hinila ko na sila cheska para sundan ang lolo ni mikaelle.. pero hindi nakaligtas sakin ang sinabi ni cheska.
"Pingol? Ang panget ng apelyido mo.. pingolin kita dyan eh. Panget!"
--
"Sabihin nyo lahat kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon lahat ng ito." Malamig na sabi ng prinsipal
Kinabahan ako ng magtaas ng kamay si cheska na parang nagrerecite lang.
"Sir. Park ganito po kase yun. Sinampal po kasi ni maam PINGOL si kylie. Napikon din po ako. Pinapalampas ko na nga po ang mga tingin nya sakin pero napuno po ako ng malamang sinampal nga nya si kylie---"
"Ano bang sinasabi mong bata ka!? Hindi ko nga sinampal ang batang yan!!"
"Weh? Bakit galit ka?"
"Talagang sumusobra kana ah!"
"Tama na!" Natahimik naman sila pero nagaaway pa din ng tingin "Kylie iha, totoo ba ang sinasabi ng kaibigan mo na sinampal ka ni maam pingol?" Kinabahan ako ng makitang saakin sila nakatingin.
"H-hindi po.."
"Sino? Namamaga na nga ang pisngi mo iha. Mabuti pa pumunta ka muna sa clinic at mamaya mo nalang sabihin kung sino---"
"Ako po ang sumampal sakanya. Pasensya na po kung naabala pa po kayo dahil sakin. Sorry na din kylie at j-josh.. nagkamali ako.. hindi ko alam na mapupunta sa ganitong sitwasyon ang pagkakamali ko. Sorry.."
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Novela Juvenil(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...