Its been weeks simula nung sinabi nya sakin yon. Pero sa isang linggo na yon hindi pa din mawawala ang epekto sakin. Para na akong baliw kung makangiti. Minsan nga nakita ako ni kuyang ganon.. hindi nya ako kinakausap. Natakot ata sakin. Maski ako natatakot sa sarili ko.. para na akong baliw.
Magiisang oras na yata akong nandito sa swimming pool habang nagbabasa ng lucid dream na binili ni joshua sakin. Nakaupo at nakalublob lang ang mga paa ko. Miss ko na si mikaelle.. nagtitext naman sya sakin kaso masyado syang busy. Ano kayang pinagkakabalahan nya? Ayaw nya naman sabihin sakin. Nakakaboring nga rin kasi walang pasok. Wala rin si mama at si kuya kyle lang na nagkukulong sa kwarto kasama ko. Na miss ko na din si papa na nasa seoul pati si joshua na walang paramdam.
"Chararat!!!" Nagulat ako sa sumigaw. Napahawak ako sa puso ko ng makita ko si cheska na parang kabayo tumakbo.
"Bakit?" Tanong ko. Tumayo ako at lumayo sa pool. Baka itulak ako ng sira. Malamig pa naman ngayon.
"Wala lang. Ikaw chararat ka talaga! Bakit hindi moko tinitext ha!? Uso pala sayo walang load!?" Aniya at lumapit sakin habang ginugulo ang buhok.
"Uyy meron naman. Diko lang trip magtext. Bakit nandito ka?"
"Tsk! Papatulong sana ako sayo sa mall. Naiinip ako eh ayaw akong samahan ni jasper! Loko yun. Tara na!" Hinila nya ako pero hindi ako gumalaw.
"Pupunta akong mall ganito suot ko!? Aba! Magbibihis ako! Hintayin mo ko."
"Samahan na kita. Mangangalkal ako ng makeup mo."
Tumango nalang ako at nagumpisa ng umakyat. Nasa likod ko sya at panay ang reklamo sa tagal ko daw. Tinatamad kasi ako.
Nakabihis na ako. Nakamaong high waist short at puting long sleeve na pangkorean na tinernuhan ko ng white shoes. Messy bond hair at pink lipstick. Lumabas na ako sa banyo na poker face. Naabutan ko pang naglilipstick si cheska at lumampas yun ng makita ako.
Problema neto? Diko sya pinansin at kinuha nalang ang cellphone ko. Tsk. Wala paring text ang mokong! Nilagay ko nalang sa bag ko.
"Ano tara na. Ikaw itong nagmamadali diba?"
"Jusko? Anong ginagawa mo kylie? Bakit ganon?"
Tumaas kilay ko. Anong problema neto?
"Anong problema?"
"Aissstt! Wala! Nagiging blooming kang chararat ka! Ganyan ba epekto ni stephen? Hahaha" aniya habang pinagmamasdan ako. Namula ako bigla kaya inirapan ko sya at nauna ng lumabas. Pagkalabas ko ay bumungad sa harapan ko si kuya na pinapakatignan ako. Ano bang meron sa mukha ko!? Asar na asar na nga ako blooming pa daw
"Where are you two going?" Aniya. Nagkibit balikat ako at tinuro si cheska.
"Mall sama ka?" Ani cheska
"Sasama ako--"
"Ano!? Hindi! Girls out to! Umalis ka magisa mo--"
"Sama na natin sya kylie" nakangising sabi ni cheska. "Sya taga dala ng mga gamit natin, pagbabayarin, paghihintayin, pag---"
"What the fuck? Wag na nga!! Mga sira kayong babae kayo" tawa kami ng tawa kay kuya na nainis na naman kay cheska
"Hahahaha ano sama kapa? Yan!" Pangaasar ko.
"Hi baby!! Hi sweety!! Huwaaahh! Na miss ko kayo!!! Oh hello cheska! Ang gaganda nyo talaga!" Napatingin ako sa dumating at leteral na lumaki ang ngisi ko. Tumingin ako kay kuyang tulala at namumula ang pisngi! Kalandian neto
"Hi ate kat!! Tagal mo ng hindi pumupunta dito ah? Siguro dimo namimiss si kuya. Nakakainis lang kasi no.." Tumawa si ate at niyakap kami ni cheska sumulyap kay kuya kyle.
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Teen Fiction(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...