Chapter 68

1K 29 2
                                    

Pinark ko na ang kotse ko bago bumaba. Tinatamad pa akong pumasok pero no choice ako dahil fourth quater na baka bumagsak ako. Pagkababa ko ay natigil ako ng makita kong pumarada ang kotse ni mikaelle hindi malayo sakin. Hindi sya nagiisa bagkus kasama nya ang kaibigan daw nyang si mikaella. Biglang pumulupot ang braso nung friend nya at ngumisi ng nakakainis ewan ko kung naduling ba ako pero sure akong saakin sya nakatingin. Inirapan nya ako at naglakad na sila papasok sa school.

Naiwan lang akong nakanganga don. Diko alam kung susundan ko ba sila o hindi. Aga aga akong ginugulat ah?

"Who's that bitch? Its that mikaella?"

"Yes.. How come na naging close sila ng ganyan?"

"Yeah right. Alam ko halos magsuicide na ang bitch na yun makuha lang attention ni stephen."

"What? Pathetic bitch huh? I more like kylie than her."

"Yeah right. But did kylie know about this?"

"I dunno.. Pero gusto kong malaman ni kylie para makita ko reaksyon nya."

"Oo nga. Naiinis ako dun sa babaeng yun. Parang nanalo ng jakpot ang gaga."

Umalis na ang mga babaeng pinaguusapan ako at pumasok na sa loob. Nakatulala lang ako dun ng may pumalakpak sa harap ng mukha ko. Muntik ko ng masampal si cheska sa gulat.

"Oyyyy!! Di mo bagay magstolen kylie!!" Sigaw ni Cheska kasama si jasper na gulo gulo ang buhok.

"Aissttt! Ang ingay mo talaga kahit kailan!!"

"Nagsasabi lang ng totoo maingay na agad!? Hmmp! Ewan ko sainyo! Magsama kayo!!" Umalis na sya at iniwan kami ni jasper.

"Anyare dun?" Tanong ko.

"Sumpong. Tara na? May klase pa tayo. Hindi kana nasanay dun?" Ani jasper.

"Nope. Ang hirap ispellingin ng girlfriend mo. Anyare sa buhok mo? New style?" Bigla naman syang tumawa at ginulo ang buhok ko!

"Sinabunutan ako ng bestfriend mo. Ayan. Parehas na tayo may new hair goals." Natawa kaming pareho. Mukha na kaming tanga siguro with matching gulo gulo buhok.

Lumingon lingon ako ng may mapansin akong parang may nakatingin sakin. Tama nga ang hinala ko dahil nakita ko si kenneth sa malayo na nakatingin sakin. Umiling sya at parang bula na nawala nalang. Anyare dun?

--

Pumasok na ako sa room at hinanap ng mata ko si mikaelle. Kumunot noo ko ng hindi ko sya mahagilap. Nauna syang pumasok ah? Saan pumunta yun?

Nagkibit balikat nalang ako at umupo na sa pwesto ko. Napatingin ako sa kanan ko at hindi ko maiwasang malungkot dahil wala na si joshua. Nalaman ko kahapon na umalis na sya ng bansa ng walang paalam sakin. Sa iba ko pa talaga nalaman yun ah.. ganon na lang ba nya ko kadaling iwan?

Nakita kong pumasok na si mikaelle kaya ngumiti ako. Pero nakuha ng mangawit ng panga ko ni isang sulyap di nya ginawa. Problema neto? Invisible ba ako?

"Hoy mikaelle! Problema mo?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang sya at yumuko sa desk at tinago mukha nya. Matutulog ata. Di ko nalang pinansin baka wala sa inaantok.

Dumating na ang teacher namin at napansin nya kaagad si mikaelle na nakayuko at hindi man lang tumayo para bumati. Pero imbis na pagalitan nya to ay inismidan nalang nya. Aangal sana ako pero naalala kong sakanila pala itong school nato. Kamakailan ko lang nalaman yun.

Dumating na din si jacob at Ivan. Late sila pero hindi man lang sila pinagalitan. Unfair naman nun. Biglang napatingin samin si Ivan. Kinindatan ako ng siraulo at lumapit sa pwesto namin.

BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon