Chapter 54

1.2K 40 1
                                    


Warning: May pagka SPG ang chapter nato kaya sa mga may sakit sa puso dyan.. don't scroll without #vote and typing #kilig.

Nandito na rin ang pinakahinihintay nating lahat kaya wag lalaktaw dahil minsan lang to.

Vote and Comment!

Kylie's Pov

Madilim, Mapuno, Maraming halaman at Nakakatakot na lugar. Nasa gitna ako ng gubat kung saan ay saksi sa lahat.

Tinignan ko ang sarili ko at para akong nanghihina sa dami ng dugo na kumalat sa buong katawan ko..

"K-kylie.." napalingon ako sa tumawag sakin at hindi ko maiwasan maluha sa kalagayan nya..

Hindi ko naaaninag ang buong mukha nya pero kusang tumulo ang luha ko sa hindi malaman na dahilan. Napatingala ako ng may nakita akong sapatos sa tapat ko at huli na dahil bigla na lang nya ako pinalo ng matigas na bagay sa ulo ko.

Napabangon ako sa higa at kapos na kapos sa hangin sa dahil napanaginipan ko. Napahawak ako sa ulo ko ng biglang kumirot ang utak ko.

Tumingin ako sa paligid. Maliwanag pero may kakaiba itong nanadudulot na kaba sa dibdib ko. Nasaan si cheska? Akala ko ba tabi kaming matutulog?

Nakita ko ang phone ko sa gilid kaya kinuha ko. Ang daming texts at calls galing kay kuya. Wag ko nalang nga replayan baka matadtad ako ng sermon kung bakit gising pa ko ng ganitong oras. Magaalas tres na kasi ng umaga at sigurado naman akong tulog na rin yun.

Biglang kumulo ang tyan ko kaya napahawak ako dun. Bigla akong nagutom.. kahit na marami naman akong kinain kanina. Dinala ko na rin ang phone ko at tumayo na tska lumabas ng kwarto pero madilim na hallway ang bumungad sakin. Bakit familiar ako dito?

Lumingon lingon ako at buti nalang may mga ilaw pa din sa dulo at sa baba ng hagdan kaya hindi masyadong creepy.

"Bakit ba ang kulit mo!?"

Napalingon ako sa kanan ng may marinig akong boses. Nakita kong bukas ng konti ang pinto sa dulong hallway.

"Oo tulog na sila pati na din tulog ko inistorbo mo. Diko nakakalimutan.. Tangna hindi ako sumisigaw malakas lang boses ko."

Unti unti kong hinakbang ang paa ko at palakas din ng palakas ang nagsasalita.

"Ano ba talagang kailangan nyo sakin!? Oo alam ko yon pero sumusobra kana dude.. hindi kita kinakalaban pinapangaralan lang kita. Oo immature ka naman."

Sumilip na ako sa loob at nakita kong nakaupo patalikod si kenneth sakin.

"Tandaan mo wag na wag mo silang sasaktan dahil babaliktarin kita dude. Oo sahibin mo nang plastik ako pero alam mong hindi akong masamang tao.."

Nang akmang aalis nako ay bigla akong may natapakan na lata na nagdulot ng malakas na ingay. Napatakip ako sa bibig ko at pilit umiisip ng paraan kung paano makakaalis.

"K-kylie? A-anong ginagawa mo dito?" Dahan dahan akong napatingala at nakita ko na si kenneth sa harapan ko na seryosong seryoso. Tumayo naman ako ng maasyos at tinignan sya pero sa loob loob ko ay halos mabaliw na ko sa takot.

"Ahh napadaan lang k-kase hinahanap ko si cheska.. n-nakita mo ba sya?" Tanong ko at kunyaring nagmamasid masid.

"Nasa baba sila kasama nya si jasper.." napatango tango naman ako.

"Ahh salamat. Sge alis nako ah?" Sabi ko at akmang aalis na ng bigla nya akong hilahin kaya bigla akong kabahan. "B-bakit?" Utal kong tanong at nginuso nya naman ang nasa likod ko. Muntik ko na namang matapakan ang pasneyang lata.

BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon