Kylie's Pov.
"Dalhin mo lang ang mga kailangan mo ah? Baka lahat ng damit ay ipagkasya mo dyan sa maleta mo!"
"Oo! Di ako kagaya mo! Baka nga ikaw magdala ng iba dyan eh!"
"Ano!? Ikaw! Saan mo nalaman yan!? Ikaw! ano ano inaatupag mo!"
"Ang alin? Ano bang sinasabi mo kuya? Ang sabi ko baka ikaw magdala ng iba dyan! Mga damet! Waahh! Green minded si kuya! Porn pa!! Hahahaha!" Tawa ako ng tawa kay kuya na namumula na sa hiya! Hahaha green minded!
"Sira! Doon ka nga!! Wag na wag kang lalapit sakin ah! Ginaganyan mo ko! Wala nga akong porn! Hindi kana makakapasok sa kwarto ko! Manigas ka sa takot.. Blehh!" Sabi ni kuya at padabog na iniwan ako sa kwarto ko.. Hala! Baka ano na namang kacreepihan ang marinig ko!
"Kuya!!! Wait for me!! Hindi na kita aasarin!! Bati na tayo!! Huwaaah!!"
--
"Maayos na ba lahat? Check nyo baka may nakalimutan kayo dyan.. Aba ayokong magwala wala kayo kapag may hindi kayo na dala!" sermon ni mama
"Nadala ko na po lahat ng kailangan ko.. baka po si kuya may nakalimutang dalhin.. wala pa namang ganon sa mansion ni Lola..pfft"
"Ano!? Talagang ginaganyan mo na ako ha! Nadala ko na po lahat ng KAILANGAN ko.. Baka po si kylie may nakalimutan.."
"Hay nako! Nako! Tigilan nyo kong dalawa ha! Mag away kayong magdamag wala akong pakielam! Beast mode pa man din ako, Tss" sabi ni mama sabay walk out. Humarap ako kay kuya na may kunot na noo
"Ano namang nakalimutan ko kuya? Sa pagkakaalam ko.. wala akong ganon. Tsaka nadala ko na lahat ng KAILANGAN ko..hahaha!" Pangiinis ko pa at pero ngumisi lang si kuya..
"Talaga? Ahh! girls scout ka nga pala! Hahaha! Patingin nga ng maleta mo.. Baka may tinatago kang kababalaghan. Pfft."
"Nyenyenye! Wala naman talaga! Wag mo nga akong igaya sayo! Ohh! Check mo pa!" Nakangising kinuha ni kuya ang maleta ko at naghaluglog
Kampante akong nakacross arms habang nakachin up kay kuya. Bukod sa mga panty at bra ko wala na akong tinatago..
"Wala pala ahh.. Ehh ano to? Ikaw ha! Kakatabi mo kay chessnut natututo kang maghaliparot!" Napamaang ako ng dahan dahan nyang nilabas ang picture frame namin ni.. mikaelle
"Ahh! Bakit nandyan yan!?" Gulat na tanong ko
"Anong bakit nadyan? Diba dapat ako magtanong kung bakit nandyan yan? Naks.. Di kayo bagay. Wahahaha!!" Tawa ng tawa si kuya habang iniiwas sakin ang picture!
"Kuyaaaa! Nasaan na yan!! Ikaw lang naman naglagay dyan eh! Nasaan naaa!!" Sigaw ko pero pilit nyang tinataas dahilan kung bakit hindi ko maabot. Matangkad kase si kuya ko..
Mga 5'8 ang height. Unfair sakin na 5'3 lang!
"Wahahaha! Abutin mo muna! Yan! Asar pa! Ikaw lang naman laging talo! Hahaha--- Paaaa! naman!"
Biglang kinuha ni papa ang picture kay kuya kaya naman inis na inis si kuya. Ako naman parang namutla na! My gosh! Makikita ni papa ang picture! Si kuya kase! Makakaganti rin ako! Buset!
"What are you two doing? Para kayong mga bata! Ikaw kyle! Ang tanda tanda mo na.. ginaganyan mo kapatid mo!? Papaalala ko sayo! College kana! Sus maryosep! Ikaw naman kylie! What is this thing!? Sino tong lalaking to!?" Mas lalo akong nanghina nung tinignan ako ni papa ng masama sabay tingin sa picture..
"Papa.. Nabibiruan lang po kami. Ikaw na pong bahalang mag sermon sa babaeng yan.. tsk,tsk! Goodluck kapatid hahaha!" Tawa na tawa si kuya bago umalis
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Teen Fiction(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...