Chapter 64

1.2K 30 2
                                    


Dalawang oras na ang nakalipas pero wala pa rin sya. Kanina pa rin ako rito sa library para magpalipas ng oras. Wala na kasi kaming pasok at hinihintay ko nalang si mikaelle gaya ng sabi nya. Pero ni isang text wala sya.


"Chararat!! Nandito ka padin!? Aba! Dipa nangangawit pwet mo dyan?" Ani cheska na umupo kaagad sa tabi ko.


"Shhh wag kang maingay. Mapapalabas tayo rito." Sabi ko habang binibasa ang librong kanina ko pa binabasa pero walang pumapasok sa utak ko.



"Pake ko sa librarian na yan. Ano nga? Nagtext na si bae mo?"


"Hindi pa.." tanging sabi ko. Sinarado ko na ang libro at tinignan si cheska sa tabi ko. Nakataas lang kilay nya sakin.



"Ohh? Ni isang text wala? Eh bakit nandito kapa?"



"Hihintay ko sya.. parating na rin nyan yon. Oh ikaw? Bat andito kapa? Nasaan jowa mo?" Bigla syang ngumiwi at inirapan ako. Diko maiwasan matawa. Stress na stress eh.



"Wag mo ngang isali ang malanding yon!"



"Napano ba? Hahaha."



"Nakita ko lang naman katawanan nya ang haliparot na si jeysel! Arghh! Iniinis talaga ako non eh!"



"Hahaha chill! Nandito na sya oh~" pakanta kong sabi at nakanguso kay jasper. Agad naman nya itong inirapan at kinuha ang binabasa kong libro. Pabebe pa eh..



"Babe... uyy? Sorry na. Diko naman alam na--"



"Dapat alam mo! Aba! Girlfriend moko dapat alam mo kung sino mga kinaiinisan ko rito!!" Pabulong na sigaw ni cheska. Tawa lang ako ng tawa sa gilid. Ang cute cute nilang magaway!




"Ehh? Dapat kasi sinabi mo sakin. Di naman ako manghuhula eh--"



"So ako pa!? Ako pa!? Sasabihin ko ba na 'Babe. Galit ako dyan' 'babe malandi yan' 'babe, nangangamoy putok yan' ganon!!? Aba punyemas na yan!! Di ako nainform--"




"Hoyy!! Mga punyeta kayo! Sa labas kayo mag ayaw wag rito--"




"Punyeta ka rin!! Ikaw matanda ka manahimik ka dyan kung ayaw mo madamay!! Di pa tayo close! Ikaw jasper! Ano!? Ganon ba!?" Nanahimik yung librarian sa sigaw ni cheska. Good thing wala ng tao sa library kundi kami. Halos di na ako makahinga kakatawa sa dalawa!



"Babe... sorry na. Ako may kasalanan hindi ikaw. Sorry na ah? Babe.." pasimple kong tinignan ang phone ko habang nagpupunas ng luha. Halos mapatalon ako sa upo ng makitang may message si mikaelle kaya agad kong binuksan.




From: Bae Mikaelle♡

Uwi kana. Di na kita mahahatid
sorry.




Kinagat ko labi ko bago ko pinatay ang cellphone ko. Yan lang naman sinabi nya pero ang lakas ng impact saakin..




"Kylie? Ano? Uuwi kana?" Tumango ako kay cheska at dinala ang gamit ko pati ang libro.




"Oo. Di daw ako mahahatid ni mikaelle. Magcocomute na lang ako--"





"Heh! Sumabay ka nalang samin."



"Oo kylie.. sabay ka na samin. Dadaan din kami sa inyo." Sabi ni jasper at umakbay kay cheska. Bati na kaagad sila?




"Sge sge.. tara na." nagirapan muna si cheska at ang librarian bago kami umalis. Di ko nalang pinansin dahil parang nawala ako sa mood. Nauna na akong naglakad sa field nasa likod ko sila cheska na nagaaway parin.. akala ko bati na sila.






BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon