Chapter 67

1K 27 0
                                    

A/N: Thank you sa gumawa ng fan art nato!! Salamat ng marami! Hihihi. Hindi ko mahanap ang account mo eh sorry. Ang cute cute ng photo promise😍⬆⬆⬆⬆

--

Dalawang araw na yata simula ng magmukmok ako sa kwarto ko. Tulala lang ako hindi umiiyak. Para saan? Ni hindi ko nga alam ang nagyayari iiyak pa ako? Patay ang cellphone ko. Ayoko ng kausap. Kailangan kong magisip isip.

"Kylie? Bumaba ka muna para makakain ka ng hapunan. Okay kalang ba?" Rinig kong sabi ni mama sa labas.

"Busog pa ako ma.. bababa rin po ako pagnagugutom na."

"Ganon ba? Nasa baba yung boyfriend mo nak. Kanina ka pa hinihintay.." napatayo ako sa kama. Agad kong binuksan ang pinto para makita si mama.

"Paalis mo sya ma. Sabihin mo natutulog." Weird na tumingin sakin si mama bago tumango.

"Oh sge.. kumain ka ah?" Tumango nalang ako at sinarado na ang pinto ng umalis na si mama. Humiga naman ako sa kama at hinawakan si amber sa tabi ko na tulog na tulog. Buti pa tong pusa ko walang problema. Patulog tulog lang ang bruha. Dahil nakatrip ako ay tinusok tusok ko ang tenga nya kaya napapadilat sya ng mata.

"Kala mo ah. Busit ka ganti ko sayo yan." Kiniliti ko pa ang tyan nya pero parang wala lang. May kiliti ba ang mga pusa? Bigla nya akong kinagat kaya nilayo ko kamay. Hindi naman masakit pero nagulat talaga ako. "Aba! Nangangagat ka na ah? Kulong kaya kita---" natahimik ako ng may kumatok.

"Kylie??" Nanlaki mata ko ng marinig ko boses ni mikaelle! Anong ginagawa nya dito!? Dali dali akong pumikit at nagtulog tulugan ng bumukas ang pinto. Nakalimutan kong isarado!

Sumarado ang pinto kaya akala ko umalis na sya pero nagkamali ako. Lumakas tibok ng puso ko ng marinig ko ang yapak ng paa nya papunta sa pwesto ko. Nainitan ako at naramdaman ko ang pawis ko sa noo

"Kylie? Natutulog ka pala..." aniya. Naramdaman kong humiga din sya sa kama at niyakap ako sa likuran! Gusto ko ng magmulat ng mata pero pinanindigan ko talaga matulog! Hinawakan nya ang buhok ko at inayos. Kinabahan ako bigla ng hawakan nya ang leeg ko! May balak pa yata sakin ang sira!

"Pawis ka ah? Ang kapal kasi ng kumot mo eh.." tinaggal nya bigla ang kumot ko at sobrang pula na siguro ng mukha ko sa kahihiyan! Shet! Nakashort lang ako ng maikli! Mainit kasi! Buti nalang talaga hindi nya nakikita mukha ko! "A-ahmm.. S-sorry. Fuck.." Binalik nya ang kumot ko pero hanggang bewang lang. Yumakap ulit sya sakin kaya hindi ako makahinga sa kaba!

"You know that I love you kylie, right? Please trust me bae..."

Hindi ko kayang magpanggap!! Kinalas ko yakap nya at humarap sakanya pero literal na lumaki ang mata ko sa gulat.

"I know your awake.. I'm sorry." Aniya pagkatapos nya akong halikan. Hindi ako nagulat dahil hinalikan nya ko kundi sa mukha nyang maraming sugat..

"A-anong nangyari sa mukha m-mo?"

"Nadapa ako---"

"Yung totoo!" Sigaw ko. Natahimik sya kaya naguilty ako. "Yung totoo mik? please.."

"Fine. I was punch by your friend."

"Friend? Mikaelle naman ang daming kong kaibigan--"

"Its Joshua." Ha? Sya? nandito pa ang lalaking yon!?

"What? Bakit naman!? Hindi naman nanununtok yun ng walang dahilan no."

"Yeah I know.. he saw me with mikaella nung sinuntok nya ko." Saglit akong natulala sa mukha nya bago nagtanong

"Sino yun? Mikaella?" Kapangalan nya pa ah.

"M-my friend.. sya yung narinig mo sa phone." Parang movie na nagbalik sa isipan ko yung time na nagaagawan kami ng sapatos hanggang sa kasama nya ang babaeng yon. Ang liit talaga ng mundo..

BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon