THE LAST CHAPTER. THANK YOU VERY MUCH DAHIL UMABOT KAYO HANGGANG DITO!! THANK YOU FOR SUPPORTING THIS STORY GOD BLESS..____
THIRD PERSON'S POV
Kaagad tumakbo papuntang ospital sila mikaelle ng marinig ang balita. Sobra ang kanyang kaba ng marinig na involve pala si kylie rito kaya hindi na sya nagpatumpik tumpik pa at sumugod.
"Ate ate!! Nasaan ang sinugod dito mula sa MIS??" Tanong ni mikaelle na hingal na hingal. Saglit na natulala ang nurse sa apat ngunit nagsalita rin ng makita ang matalim na tingin ni mikaelle.
"A-ahhh nasa emergency pa po..." anang nurse. Kaagad naman silang tumakbo dun.
"Salamat ate." Ani Ivan kaya namula ang nurse.
Pagkapunta nila doon ay nagulat sila dahil ang gobernador at ang kanyang asawa ang nasa labas ng emergency. Biglang napatingin sa gawi nila ang gobernador at hindi na ito napigilan ng bigla nitong suntukin sa mukha ni mikaelle.
"Tarantado kang bata ka!!! Kasalanan mo to kung bakit nagtangkang magpakamatay si ella!!! Ang kapal ng ampug mong magpakita dito!!" Galit na galit na sabi nito kay mikaelle. Susuntukin na nya sana ulit ito kung hindi lang napigilan ng kanyang asawa.
"Tito tama na po! Wala pong kasalanan si mikaelle di nya po alam ang nangyayari!!" Ani james na humaharang sa harap ni mikaelle upang hindi na malapitan ng gobernador.
"Anong walang alam!!? Ehh gago pala yang kaibigan mo eh!! Akala mo ba wala kaming alam kung bakit nya tinangkang magpakamatay ha!? Tinext nya samin na hindi mo daw tinupad ang pangako mong bata ka!!" Sigaw nito. Sobrang dami ng nakikiisyoso dahil ngayon lang nila nakitang nagalit ang gobernador. Napayuko ang magkakaibigan pwera lang kay Ivan na lakas loob na nagsalita.
"Hindi mo maiintindihan si mikaelle tito. Marami ng nagbago... sobrang tagal na ng nakalipas. May minamahal ng iba si mikaelle yung matagal na nyang hinahanap, bumalik na. Wag naman sana kayong maging selfish dahil kayong mismong ama nya ay nagkamali rin. Hindi nyo binibigyan pansin noon ang anak nyo..." matapang na sabi ni Ivan na nagpatahimik sa lahat. Akmang susuntukin rin sya ng gobernador kung hindi lang ito inawat ng kanyang asawa.
"Hon tama na.. tama sya. Kasalanan din natin kung bakit nagkaganoon ang anak natin. Kumalma ka, magiging maayos din ang lahat." Anito sakto namang lumabas ang doktor sa emergency kaya napunta ang atensyon nila rito.
"Anong nangyare sa anak ko 'dok? Okay naba?" Ani gob.
"She's stable now. Mabuti at nadala sya kaagad rito kundi maaring maubusan sya ng dugo. She has a cut on her neck.. malalim ito at maari nya itong ikamatay. We found out that she's a suicidal. Your daughter must be depressed physically and emotionally.." mahabang sabi nito. Tumango naman ang magasawa samantalang natulala ang magkakaibigan sa nalaman.
Biglang tumunog ang cellphone ni mikaelle at nakatanggap ng mensahe mula sa mga kaibigan ni kylie.
Dali dali na itong umalis at hindi na nagpaalam. Nakita naman sya ni jacob kaya nasundan din nila ito.
"Tito alis na kami. Pasensya na.." ani james at sumunod na sa kanyang mga kaibigan.
-_-_-_-_-_-
"Bakit hindi pa din sya gumigising?" Nagaalalang sabi ni alicia na kadadating lang galing italy.
"Ewan eh. Mas mabuti ata kung dinala natin sya sa ospital!! Baka may natamaan sa ulo nya!" Pagalit na sabi ni faith
"Okay lang daw sya sabi ng doctor sa school!!! Yan! Di nakikinig! Ano ano kasing ginagawang kaharutan!" Sigaw ni rico kay faith
"Alam mo namang ayaw ko sa science!! Tska suggest ko lang naman yun!! Selos ka lang samin ni bebe alvi ko."
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Dla nastolatków(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...