Kylie's PovNarinig kong umalis na ang kotse ni joshua kaya nilabas ko na ang sakit sa dibdib ko. Iyak ako ng iyak sa narinig ko sakanya.
"Aalis na ako kylie. Kailangan ko ng lumayo sayo. Lumalala kylie.. sobra na. Baka kapag hindi ko naagapan masanay na ako sayo. Ayokong dumating sa puntong pinoproblema mo pa ako.."
No. Hindi ka naging pabigat sakin joshua. Bakit yon ang iniisip mo? Dahil pa sakin kaya ka aalis..
"I'm leaving for good. Gusto ko ng magmove on sayo pero parang ang hirap ata. Hindi ako marunong sa ganon dahil dati palang ikaw na. Siguro matatagalan bago ako makamove on o baka hindi na yata. Pero kalahati sakin ay gusto manatili ng nararamdaman ko sayo.."
Why? Bakit kailangan mong gawin ito? Sorry. Sorry joshua. Napahikbi nalang ako sa sakit ng pakiramdam ko. Aalis sya. Iiwan na nya ako..
"I respect your relationship with mikaelle. Saksi ako sa mga nangyayari sainyo. Alam ko naman na mahal mo na sya dati pa.. pero ako nagpapakatanga. Baka sakaling mapansin mo ako at mahalin mo. Pasensya kana.. mahal lang talaga kita. Siguro, awang awa kana sakin kaya sumama ka no? Kung magmakaawa ba ako sayong ako nalang.. pipiliin mo ba ako?"
Umupo ako at hinawakan ang ulo ko. He thinks that i'm sleeping. No.. I'm not. I heard everything.. lahat. And It hurts when I heard him sobs.. nanghina ako. Kung sanang tinatagan ko sarili ko sana.. nakausap ko sya, napatahan ko sya, at sana hindi na sya aalis. I'm sorry joshua..
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Hindi ako pwedeng makita na ganito nila mama. Mag aalala sila sakin.
"Kylie.." napahinto ako sa ginagawa. Narinig ko yon. Humarap ako sakanya ng pagod. I'm tired now.. gusto ko nalang matulog.
"Anong ginagawa mo rito?" Sabi ko. Seryoso lang syang nakatingin sakin kaya kinabahan ako. Lagi naman syang seryoso pero hindi pa ako nasasanay.
"Ikaw. Anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay nyo? Its late kylie.." medyo na gulat pa ako sa tawag nya sakin. He's calling my name again.
"Hmmm. Kakauwi ko lang. Hinatid ako ni joshua.."
"Yeah. Saan kayo nagpunta?"
"Mall. Gusto nyang samahan ko sya. Why?" Bakit ba ang dami nyang tanong? Tska sya nagsabing umuwi na ako dahil hindi nya ako mahahatid. Tapos pupunta sya ng hindi ko alam?
"You.. didn't text me. You're to busy huh?"
"Patay cellphone ko. Sorry.." yumuko ako para punasan ang mukha ko. Grabe sya makatingin sakin. Hindi na ako nasanay..
"I saw you. Umiiyak ka.. why? What he did to you?" Napaangat ako ng tingin. Unting unting lumalabo ang mata ko ng luha. Bago pa ako makailing ay niyakap na nya ako. Ayokong magpaawa sakanya ngunit nanghihina na ako.. pakiramdam ko sobrang sama kong tao.
"M-mikaelle.. aalis si joshua dahil s-sakin. Ganon na ba ako k-kasama? Hindi ko sya nakausap kanina dahil natatakot ako.. pakiramdam ko kapag nakita ko syang u-umiiyak lalo lang syang lalayo sakin. Bakit g-ganon mik? Gusto ko lang naman syang maging kaibigan.."
"Shhh.. Its okay. Hindi mo kasalanan. Masyado kalang talagang mabait kaya ganon. Kita mo pati ako nainlove sayo. Si mikaelle? Nagkagusto sayo? Don palang imposible na-- awww!" agad kong sinuntok ang dibdib nya
"Ano ba! Ang sama na nga ng pakiramdam ko.. ginaganyan mo pa ako.."
"Sorry. Dont worry about joshua, bae. He wants to move on. He need it. He respect our relationship kaya respetuhin mo din desisyon nya. Joshua is a good man. Mahirap yon kylie para sakanya pero ginagawa nya padin.. stop crying. Pumapanget ka." Agad akong lumayo sakanya. Isa pa to! Lalo nya akong pinapaiyak.
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Teen Fiction(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...