Pumasok na kaming muli ni mikaelle sa loob. Nagpapatay malisya ako kapag nahuhuli ko syang nakatingin. Totoo din naman na nagugutom nako. Nakakahiya talaga..
Pagkapasok namin sa kusina ay parang gusto ko nalang umatras ng makita ang mga tao sa dinning. Kumpleto sila don. Parang tinakasan ako ng dugo nung sabay sabay maglingunan ang mga ito sa amin. Naramdaman ko ang kamay ni mikaelle sa balikat ko at ginaya papalapit sa pamilya nya. Alanganin akong ngumiti habang papalapit kami. Feel ko busog pa naman ako.
Pwedeng umatras?
Hanggang sa makalapit kami ay napagmasdan ko na silang lahat. Kapwa nakangiti ang mga ito na parang mainit akong tinatanggap sa pamilya nila. Magkaibigan lang po kameee...
"Everyone, this is shane kylie.. my friend. Kylie, this is my family. My dad and mom, si kuya ronel, carlo. You already know this two, ate rina and tiffany." Tinuro ni mikaelle ang tinutukoy nya at binigyan ko sila ng magandang ngiti.
Yung kuya ronel nya ay parang kambal nya pero pinamatured version. My gosh diko alam kung bat natutulala ako sa kuya nya. Siguro dahil palangiti sya kaya nakakaattract? Ilang taon naba sya? Charot. Hawig nilang pareho ang papa nila na medyo mukhang strikto at formal. Sakanya na mana ni mikaelle. Ang ang natira ay nakuha sa mama nila. Ang ganda ng lahi nila. Yun lang masasabi ko. Baka naman no? Hehehhehe..
"Hi po sainyo hehe.." bati ko.
"Take a sit, hija. Feel comfortable." Anang papa nya na tipid na ngumiti sakin. Mukha syang hindi nagbibiro ah.. kakatakot magkamali.
"Salamat po."
"Wag ka matakot kay tito gino, kylie. Mukha lang strikto yan pero may kalas din." Nagtawanan ang magkakapatid.
"Ay pa, payag ka don? Kalas daw! Hahahaha!" Pangaasar ni kuya nel.
"What again, honey? Kalas? Lagot ka sakin mamaya."
Pinanghila ako ng upuan ni mikaelle katabi ng kapatid nyang si carlo. Naupo na ako at don palang din sya naupo sa tabi ko. Nagsimula na silang magkwentuhan ng nakakatawa kaya diko mapigilan makitawa sa tuwing si mikaelle ang topic. Tahimik lang si mikaelle na paminsan minsan nahuhuli kong sinasamaan ng tingin ang kanyang mga kapatid.
Nilagyan ako ng kanin ni mikaelle sa plato at halos mapaawang ang labi ko sa dami ng nilalagay nya.
"H-huy ang dami! Di ko mauubos yan.." bulong ko.
"Konti pa nga nyan. Kumain ka ng madami. Kaya ang payat mo eh. Ubusin mo yan." Napanguso nalang ako.
"Nakakaasar ka.."
Sya na din mismo ang naglagay at naglapit sakin ng ulam. Diko mapigilan mahiya dahil saamin na sila nakatingin. Parang wala naman pakielam si mikaelle sakanila dahil nagawa nya pang kurutin ang ilong ko bago ako tantanan. Ngumiti ako sakanila at nahihiyang kumain na. Tumikhim si mikaelle dahilan kung bat nabalik sa ulirat ang mga namamasid samin at nagbuhay ng panibagong usapin.
"So kylie, I want to ask this directly because mikaelle can't answer it." Natatawang sabi pa ng kuya nya.
"What is it kuya?"
"Bro, stop it." Ani mikaelle.
"What's the real score between you both? Friend lang talaga?" Humalakhak si kuya ronel at ate rina na parang nakakatawa ang salitang friend.
Tinignan ko si mikaelle na namumula na. Diko alam kung nahihiya sya o galit dahil sa reaksyon nya.
"Friend lang talaga kami.. hehehe."
"Alam mo ba sinabi sa amin no'n ni mikaelle?" Ani ate rina na nagpakuha ng atensyon ko.
"Ate! I said stop it. She couldn't eat properly. Don't mind them kylie. Just eat." Diko pinansin si mikaelle.
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Ficção Adolescente(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...