Chapter 7

2.7K 57 2
                                    

Kylie's Pov

Tuhimik akong pumasok habang humihiling na sana ay hindi topakin si kuya. Kaso hindi yata nakaayon sakin ang tadhana!

"Bakit natagalan kayo ni mikaelle!? Saan kayo pumunta!!?" napa lunok na lang ako sa takot.

"Sa mall. T-traffic kaya natagalan." Sagot ko habang pinaglalaruan ang buhok ko.

"Tingin mo maniniwala ako? Tamang uwi ba ng isang babae ang alas sais!? Saan pa kayo pumunta!? Balikan mo yung gagong yun kylie!"

"Waah!!! Bakit ayaw mo maniwala!? Sa mall lang nga kami pumuntaaa!" Parang maiiyak nalang ako sa frustration.

Wala naman kaming ginawa ah? Nagmall lang naman kami! OA ni kuya pero.. nakakatakot talaga sya! Alam mo nakakatakot sakanya? Yung pagsalubong kilay nya at kapag lumalaki yung butas ng ilong nya! Di lang yun, parang may nabubuong itim na aura sakanya na kapag ginalit lalo ay magsusuper sayan na. Jusko pano naman si mama? Mas nakakatakot yun!!

Halos mapasign of the cross nalang ako ng makita si mama na bumababa sa hagdan. Bakit parang may ginawa akong masama? Nag mall lang naman kami! Yumuko nalang ako dahil ayokong salubungin ang isa sa mga mata nila.

"Ano na naman yan kyle!? Inaaway mo na naman kapatid mo!" Para akong nabunutan ng tinik kay mama. Nakalimutan ko na kampi pala ako ni mama pagdating kay kuya.


"Wag mong kukunsintihan yan ma! Oras na! Tamang uwi ba ng babae ang ganitong oras!? Umamin kana kylie!" Pinaglakihan ako ng mata ni kuya kaya nagtago ako sa likod ni mama.

"Wala akong aaminin dahil nagsasabi ako ng totoo!! Sa mall lang kami pumunta! Bakit wala kang tiwala sa kaibigan mo!?" Sigaw ko at tumalim ang mata nya sakin lalo.

"Yun naman pala! Kylie, umakyat kana sa kwarto mo. Ako ng bahala sa kuya mong yan." Ani mama.

Kaagad na akong tumakbo paakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Rinig ko pa ang pagangal ni kuya na kaagad tinabunan ng ratatatat ni mama.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nilock ko agad. Mahirap na lalo na galit si kuya. Pagod na ako at gusto ng magpahinga. Alam kong nagaalala lang sya pero ayaw naman nya maniwala sakin. Ganon ba sya kawalang tiwala sa kaibigan nya? Kung ako si mikaelle masakit yun syempre.

Nagpasya akong maghilamos muna bago matulog. Saktong paglabas ko ng banyo ay tumunog ang phone ko kaya dali dali kong sinilip.

Unknown Calling...

Unknown? Sino kaya ito? Sinagot ko na ang tawag habang nakatingin kay amber sa kama na tulog na.

"Hello? Sino to?"

Lumipas ang ilang segundo pero walang nagsasalita. Nakatrip yata ito eh? Pero ang creepy ah. Bigla ko tuloy naimagine na nasa horror movie ako kung saan ang bida ay target ng isang serial killer. Ampotek..

"I said who are you? Papatayin ko na ito kung hindi ka magsasaliㅡ"

"Sorry. I just want to tell you that I'll fetch tomorrow around 10pm. Be ready. Goodnight."

Di pa ako nakakapagsalita ay pinatay na nya. Wow. Just wow. Nagmamadali? Ah siguro may part time talaga sya. Ang angas nya ah pero ang husky ng boses huh. Nawala antok ko jok. Hahahaha!

Pero seryoso, pano nya nga pala nakuha number ko? Kay kuya kaya? Nilagay ko nalang ang number nya sa contact list ko.

Mik Mik♥

--

"Nak!! Gumising kana! Nandyan na ang kaibigan ng kuya mo. Ang gwapo pala nak bagay kayo! Tumayo kana dyan!!"

BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon