Kylie's Pov
*ting!ting!ting!*
Nagising ako sa lakas ng alarm clock na ewan kung saan nanggaling. Bumangon ako at pinatay bago nahiga ulit, pero tumunog ulit to kaya naman inis na inoff ko to kasabay ng pagbukas ng pinto.
"Good Morning Couzin!!" Sigaw ni maine at lumundag sa kama ko at nakihiga. Mayamaya ay sumulpot din si mira na may mga dalang magagandang dress sa parang sampayan ata yun? Pero may gulong to. Parang yung sa mga artista?
"Tadah! Hahaha! Bibihisan ka namin! Hihi excited na ko!" Tili ni mira at naghalungkat sa kabinet ko.
Anong ginagawa ng mga to?
"Hey! What are you two doing?" Inaantok na sabi ko at humarap naman sya sakin ng nakangiwi.
"Duh! Were going to dress you! Hmm.. You better take a bath na kylie. Mukha kang narape ng kabayo."
Bigla akong nahiya sa itsura ko kaya napatayo ako kaagad at pumasok sa banyo. Gosh! Mukha nga akong narape! Ang panget panget ko!
Naligo na ako at nagtoothbrush ng tatlong beses. Wala lang, nahiya naman ang closeup sa sobrang fresh nila.
Lumabas nako at guess it? Ayun. Mukhang nadaan ng bagyo ang kwarto ko. Nagkalat ang mga damit ko sa sahig at sobra talaga ang gulo.
"Opps! Sorry hehe.. Wala kase kaming makita na maganda. Ohh ito nalang. Wear it" wala akong nagawa nung itulak nila ako ulit sa banyo dala dala ang kulay silver na dress na puno ng makikintab na beads tska boots na itim. Jusko, parang lalabas naman kaluluwa ko dito! Dibale na.. papatungan ko nalang ng black leather jacket. Mukha naman akong sasabak sa contest neto =__=
Lumabas na ako at ano paba? Ayun! Tuwang tuwa sila dahil bagay ko daw. Minakeup pa nila ako.
"Bakit nyo ba ko binihisan? Saan tayo pupunta?" Tanong ko
"Ommy! Where going to take shopping!"
"Shopping!? Nang nakaganto?" Gulat na tanong ko
"Don't worry hindi ka nagiisa. Parehas kaya tayong tatlo hihi~" napatingin ako sakanila at oo nga. Pare parehas kaming kulay ng damit. Pinagkaiba lang ang design at ayos.
"Mall ba talaga punta natin? Para kase tayong mga flower girls.." sarcasm na sabi ko pero tumawa lang sila
"Yeah right. Okay lang yan. Its a couzin goals! Ohha! Hahahaha!"
--
"Wow. You three look good. Bute nagkasundo sundo kayo?" Nakangiting bungad samin ni tita damille maine's mom.
"Opo mommy! Hehe.. Pareparehas kase kami ng hobbies at iba pa! Diba bongga?" Natawa naman si tita damille. Gosh. Ang ganda nila.
"That's good then. Bumaba kayo at magpaalam muna bago umalis ha? Maine, Bantayan mo mga pinsan mo ha? Ikaw nakakatanda sakanila."
"Mom! Your so mean.. Twenty-three palang naman ako eh.." nakapout na sabi ni maine. Ang cute nya.
"Yeah right. How about you couzins? They're just teens. Don't worry honey.. You look just eighteen.." sabay kindat ni tita
"Ihhh mommy naman eh.. Hihi thank you kaya love kita.."
"Ohh stop hugging me. Baka magkapalit tayo ng mukha.. tsk.tsk. Okey. Be safe ha? Kylie, bermira.. Just stay beside of maine." Umalis na si tita damille at naiwan naman si maine na nakanguso
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Fiksi Remaja(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...