Cheska's Pov
"Cheska why you lied on her?" Napairap nalang ako
"Eh kailangan eh.. Bestfriend ko yon syempre"
"I know pero nagsinungaling ka padin. Tignan mo hindi natin alam kung nasan sya." Napakamot ako batok. Jusko daig pa nya ang nanay ko.
"Babe naman? Anong gusto mo sabihin ko ng diretso sakanya with puppy look? Alam mo naman na ayoko ng gumawa ng mali sakanya.. tama na yung nagawa ko dati."
Katahimikan ang namutawi samin hanggang sa bumugtong hininga sya.
"Alright, okay okay.. Di na kita papagalitan. Nakakainis ka.." napangiti nalang ako kay jasper. Hindi nya talaga ako kayang magalit hihi enebeyen..
"Cheska!! Cheska!" Napatingin kami ni jasper sa pumasok, si faith na kulang nalang magpagulong gulong para makalapit samin.
"Napano ka? Uyy!" Napahawak sya sa tuhod nya at huminga ng malalim.
"S-si kylie.." nanlaki ang mata ko at tinignan sya, ang chararat..
"Anong nangyare sakanya!? Nasagasaan ba sya!? Naholldap? Nakiddnap!? Tell me faith!!" Sinamaan nya ko ng tingin
"H-hindi! Nakita ko sya kanina! Inaaway sya ng lalaki buti nalang dumating si joshua!!"
"Sumisigaw ka muna!?" Inis na sigaw ko
"Anong bang nangyare?" Tanong ni jasper at inakbayan ako.
"Ganito kase yon.." simula nya.
Kinuwento nya lahat. Pati ang pagtae nya pagiging sucessfull neto. Nahihiya na nga ako kay babe ko eh.
"Naawa nga ako kay kylie kase iyak sya ng iyak. Murit kase yung mga babaeng yon! Doon pa talaga nagchissmisan!"
Nakakainis man pero I blame myself. Kasalanan ko naman kase.. Kung sinabi ko siguro yon hindi na sya magmumukhang kawawa sa school. Marami daw kasing nakakita at maraming may alam na tungkol yon sa issue.
Damn. I hate you now stephen, your an asshole for making cry my bestfriend.
Kylie's Pov
Nagising ako ng may sakit ang ulo. Daig ko pa nag hang over. Tinignan ko ang oras at 3:03am na. Bigla akong kinabahan.. Sabi kase nila na lumalabas ang mga multo kapag 3am na ng umaga! Nasan ba ko!? Baka mamaya--
Muntik na kong mapasigaw ng may gumalaw sa bandang likod ko! Ommygod! Baka si granny na yon o kaya si selendrina? Gosh! Lalo ko pang tinatakot sarili ko eh!
Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Syempre! Hinanda ko ang kamay ko kung sakaling may mag good moring sakin! Aba! Takot nalang nila sa kamao ko hehe yabang.
Medyo madilim ang kwarto pero masisiguro kong hindi ko to kwarto. Pamiliar sakin ang kulay at desinyo pero hindi ko maalala. Lakas loob akong humarap sa likod ko at para akong hindi makahinga sa gulat. It can't be..
Konting distansya nalang ang mukha namin at mahahalikan na nya ko! Pinagmasdan ko sya. Alam kong mali pero bakit ganito? Bakit hindi ko ramdam? Parang ang laki ng aura na nakapalibot sakanya at hindi ko malaman ang sikreto nya. Ano nga palang ginagawa neto sa tabi ko?
Lumayo ako pero laking gulat ko ng bigla nya kong niyakap. Ginawa nya akong unan.. siguro kung hindi ko yun nalaman baka hanggang ngayon kinikilig ako kapag niyayakap nya ko.. kaso iba na eh. Pinsan daw kami sabi ni lola. Mali to.. parang nagtataksil kami.
Dahan dahan kong tinanggal ang braso nya pati ang hita nya sa legs ko. Gayon hindi ko mapigilan mamula dahil iba parin epekto nya sakin lalo na yung awkward na nangyari sa Zambales.. Lagi nalang pumapasok sa utak ko yun kapag nakatabi sya sakin.. kasalanan naman kase yon ng alimango na yon!
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Teen Fiction(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...