Kyle's Pov ( kylie's brother )
I can't concentrate while I'm watching movie. I can't stop thinking my sister. Halos masira ko na ang lata ng coke sa higpit ng hawak ko. Di ko na mabilang ang mura ko kapag may naririnig ako sa labas na dumadaan na kotse at hindi sila kylie.
Tangina lang talaga. Mabubugbog ko na ang gagong mikaelle nato. Hindi porket pinagbibigyan ko, sinasamantalang ng sobra! Pinagbigyan ko na nga kagabi wag mong sabihin pati ngayon? 11pm na!
Nakuha ng natapos ng palabas na hindi ko maintindihan ay wala pa din ang kapatid ko. Tumingin ako sa phone ko na hanggang ngayon ay wala pa ding reply ni isa sa dalawa. Should I come there and fetch her? Nandon si ronel! Ayoko namang magkatapat kaming ulit.
Ginulo ko ang buhok ko at sa pagkairita.
Bumaba si mama sa hagdan at nakuha pang magulat sakin.
"Bakit gising kapa? Oras na kyle."
"How can I sleep? Di pa umuuwi ang magaling nyong anak."
"Hayaan mo na ang kapatid mo. Malaki na yon at kaya na nya ang sarili nya. Matulog kana.." pumasok si mama sa kusina at napangiwi nalang ako.
Masyadong malaki ang tiwala nila kay kylie. Malambot ang kapatid ko. Subukan lang talaga ako ni mikaelle at talagang paduduguin ko ang nguso nya. Madami pa akong pangarap sa kapatid ko kaya wag syang sasabay. Wag na nya sanang idamay..
Tumunog ang phone ko at nagtext si czarina na mago-overnight si kylie sakanila. Katabi daw nila si kylie matulog kaya wag akong magalala. Ano pa bang magagawa ko? Napakamot nalang ako sa ulo at nagpasya nalang pumasok sa kwarto ko. Sakto naman tumawag si katrina kaya medyo nawala ang pagkaasar ko.
Mikaelle's Pov
I stared at her as she sleep peacefully in my bed. Kylie's words is still in my mind and it making me damn crazy. Ginulo ko ang buhok ko at tumingin sa sofa.
No choice. Bakit kasi pinagtripan pa kaming dalawa? Inisip ko nalang kung paano ko ipapaliwanag sa pamilya ni kylie ang nangyari pero sumakit lang ulo ko.
Nagdesiyon akong magpahangin muna sa labas at pagkabukas ko ng pinto ay tumambad saakin ang mga kapatid ko na halata namang nag i-eavesdropping saamin ni kylie. Kanya kanya sila ng layo sa pinto ko at nagpatay malisya. I close the door and cross my arms.
"Nakikinig kayo." Sumimangot ako.
"Sorry bro. Ang tahimik ah? Anong nangyari?" Tanong ni kuya nel.
"Umamin ba mikaelle? Umamin ka din ba?" Ani ate rina na may pahawak kamay pa.
"Omg! Kayo naba ng crush mo kuya!?" Malakas na tanong ni tiffany kaya masama ko syang tinignan. Si carlo naman ay mahinang tumatawa lang.
"Bakit gising pa yan? Oras na! Matulog na nga kayo." Iritadong sambit ko.
"Hindi pwede! Tara magusap tayo sa sala. Tiffany matulog kana. It's already 11pm." Sumimangot si tiffany pero sumunod pa din.
Hinila ako ni ate rina papunta sa sala at wala akong magawa kundi magpatangay. Ngisi ngisi lang ang dalawa sakin kaya umirap ako. What the hell are they planning now? Sa susunod ay di ko na dadalhin si kylie dito. Baka makahalata pa yon sobrang nakakahiya na.
Pinaupo ako ni ate sa sofa kaya naupo nalang ako at nagcross arms ulit. Naupo sila sa tapat ko na parang nagiimbestiga sila ng kaso. Seriously? I can't really take my siblings anymore.
"Magkwento kana mikaelle! Anong nangyari sa simpleng date nyo?" Wala pa man ay kinikilig na sya. Ngumiwi kaming dalawa ni carlo.
Kinuwento ko sakanila ang lahat. Tahimik silang nakikinig at si ate rina lang yata ang disappointed sa kwento ko.
She must be. Halata naman na pinaghandaan nya ang lahat.
"Wala talagang nangyaring aminan?"
"Wala." Ngumuso sya at pinaglaruan ang maikling buhok.
"Tiffany told us that you like kylie. Why you didn't admit to her?" Tanong ng nanahimik na si carlo.
"Aamin ako kapag umamin ka don sa crush mo." Sagot ko na nagpapula ng mukha nya.
"What!? Who's that lucky girl, carlo?" Natutuwang ginulo ni kuya ang buhok ni carlo. Todo iwas naman ito habang sinasamaan ako ng tingin.
"I have a problem. Magagalit sakin ang mama at kuya nya kapag hindi nakauwi si kylie. Nangako pa naman ako na iuuwi ko sya ng maaga." Napahawak ako sa buhok ko sa frustration.
Damn, how can I face her mom now? Kanina lang ay nangako ako ng sobra tas ito na naman. Yari na talaga.
"Don't worry, nasabi ko na kay kyle na di sya makakauwi. Don't take advantage mikaelle." Pinaliitan ako ng mata ni ate rina bago tumayo. Umawang ang labi ko.
"What?"
"Don't sleep beside her, bro." Tinapik ni kuya nel ang balikat ko bago sumunod kay ate rina paakyat sa hagdan. Napatingin ako kay carlo na nanatili at sinasamaan ako ng tingin. Tumayo na din ito at nagcross arms.
"You betrayed me. I will tell kylie that you like her." Tumalikod na din ito at iniwan ako.
I laughed sarcastically. Kumuha ako ng rum sa kusina bago umakyat. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ganon pa din si kylie. I walk into my balcony and slowly opened it so it will not make noise. Sinalubong ako ng lamig ng gabi. Naupo ako sa upuan at tinungga ang alak habang nakatitig sa kawalan.
"Nasabi ko na ba sayong napakapamiliar mo? Y-you have the same name with my childhood friend... Mikaelle Stephen."
Pamiliar ako? O ang pangalan ko? Saan nya nakilala ang kapangalan ko? Kailan? Childhood friend? Kumirot ang utak ko sa sobrang pagiisip. Bitin. Nakalahati ko ang rum bago tinantanan. Nagiinit na ang katawan ko kaya dumiretso ako sa banyo para makaligo.
Saglit lang ako sa banyo at kaagad lumapit sa sofa para makahiga na. Mabuti nalang mahaba ang sofa na ito kaya nagkasya ako.
I never knew that I slept in the sofa in my own room. Minsan lang naman ito kaya pagbigyan na.
Sinubukan kong matulog. Pilit kong hinahanap ang magandang pwesto pero ang mismong utak ko ay ayaw akong tigilan kakaisip. Diko mapigilan guluhin ang buhok ko at naupo. Nilingon ko si kylie sa kama na wala man lang kamalay malay.
"This is your fault, kylie." Usal ko na animo'y maririnig nya sa himbing ng kanyang tulog.
Nahiga na ulit ako at tumingin nalang sa kisame. Paano kung.. sya talaga ito? Sya yung matagal ko ng hinihintay? Napahawak ako sa dibdib ko na pumipintig ng malakas. Ang sakit sa pakiramdam..
Paano nga kung sya yung nangiwan sakin sa seoul noon? Yung batang babae na umalis ng hindi man lang nagpapaalam.
Shane kylie...
Itutuloy...
Don't forget to Vote and Comments before leaving this chapter!♥
BINABASA MO ANG
BOOK1: I'm Inlove With A Snob Gangster
Teen Fiction(BTO SERIES #1) Shane Kylie Mendoza, is a sweet and very understanding girl.. pero madalas ay mainit ang ulo sa di malamang dahilan. She's living like a normal teenager but everything's change when she meet her childhood friend, that was been with h...