Chapter 69

1K 27 1
                                    

Takbo lang ako ng takbo habang palingon lingon sa paligid. Mabuti nalang walang masyadong tao sa likod ng campus dahil recess ngayon. Wala ding makakakita ng luha ko at kung gaano ako.. kahina.

Kanina pa ako palingon lingon pero hindi ako nawawalan ng pagasa. Kapag hindi ko nakita si mikaelle dito tska ng ella na yun.. nagsisinungaling lang sila. Tama. Bakit naman gagawin ni mikaelle yun? Patay na patay nga sakin yun eh. Papasuntok ko kay kuya yun pagnagkataon.

Tumigil ako at pinunasan ang luha. Wala naman sila! Sinungaling talaga ang dalawang yun!! Bagay talaga sila! Bigla nalang ako natawa sa sarili ko. Bakit nga ba ang naniwala? Bakit ako tumakbo dito at hinahanap sila mikaelle? Ganon na ba ako kawalan ng tiwala sakanya?

"Kylie? Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako at lumaki ang ngiti ko ng makita ko si mikaelle.

"A-andito ka lang pala.. bakit di ka pumasok kanina?" Tanong ko habang tumutulo ng sunod sunod ang luha ko..

"I'm just... hey? Why are you crying? Are you mad at me?" Aniya. Tinangka nyang lumapit sakin pero umatras ako. Para na siguro akong tanga. Nakangiti habang lumuluha? Talent ko ata yun..

"D-dyan kalang.. napuwing lang ako. S-saan ka pumunta kanina? B-bakit ka umalis? Nagalit kaba sakin?" Shucks.. bakit ayaw tumigil ng luha ko habang nakatitig sakanya?

"Its not like that. Nandito lang ako.. I'll felt guilty sorry.." aniya. Ngumiti naman ako. Last nato

"Sinong kasama mo?" Tanong ko habang nakangiti. Nagulat sya at di makatingin sakin. Biglang naging blanko ang mukha nya pero nakikita kong umiigting ang panga nya sa di malamang dahilan. Napangisi ako bigla. "Sinong kasama mo mikaelle? Bakit dika sumasagot?" Tanong ko ulit kaya napatingin sya sakin.

"W-wala. Ako lang magisa. Bakit ba tanong ka ng tanong? Nakikita mo bang may kasama ako?" Seryoso nyang sabi. Unti unting nawala ang ngisi ko at napalitan ng galit.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasampal ko na sya ng malakas. Nabaling sa kanan ang mukha nya habang gulat na gulat. Mukhang hindi nya inaasahan ang gagawin ko. Sino nga bang magaakala? Mukha lang ako mahina. Pero kaya kong lumaban kapag sobra na.

"Oo nga naman. Wala ka namang kasama bakit pa ako nagtatanong? Tanga ko talaga kahit kailan. Kitang kita ko na nga nagpapakatanga pa din ako.." nagtuloy tuloy ang luha ko sa poot. Dinuro ko sya "Bakit mikaelle? Bakit mo nagagawang magsinungaling sakin ha? Wala kang kasama pero may palatandaan na lumandi kalang naman kani-kanina. May lipstick pa labi mong animal ka! Lalandi ka na nga lang nagpahuli ka pa!!! Wala kang pinagiba sa ex mong tangina ka!!!" Gumagaralgal na sigaw ko

Napaharap sya sakin at nanlalaki ang mata. Dali dali nyang binura ang lipstick sa labi nya. Kahit burahin mo yan hindi pa din magbabago na nakita ko na!! Umiwas ako ng tingin habang iling iling. Tumalikod ako at maglalakad na sana ng hawakan nya braso ko.

"Fuck! Kylie! Let me explain!! Tsaka wag mo akong itulad sa ex ko dahil hinding hindi ako magiging katulad nya--" humarap ako sakanya.

"Ows? Pano mo nasabe na hindi ka nya katulad? Diba nga kinuwento mo sakin na nahuli mo silang naghahalikan ni jasper? Kayo pa non diba!? Putangina parehas lang kayo!! Ginawan mo lang ng second version ang atin animal ka!!" Hinila ko ang braso ko para makaalis na pero bigla nya akong binuhat! Binuhat nya ako pabridal style. Gulat na gulat ako kaya pinagpapalo ko sya sa braso

"Kylie stop.. let me explain okay? Just calm down--"

"Explain!? Eh kitang kita ko na nga ang proweba!! Ibaba moko kung ayaw mong masaktan!!" Sigaw ko

"I wont.. until I'll explain it." Pinagpapalo ko pa din sya hanggang sa pumasok kami sa hide out daw nila dito sa school. Mga gagu hide out daw pero nakikita naman ang bahay. Walang tao. Sinarado nya bigla ang pinto kaya nanlaki mata ko

BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon