Chapter 43

1.5K 36 1
                                    

Ivan's Pov

After ng klase namin kanina ay nabalitaan ko ang masamang balita kaya dali dali kaming tumakbo ni jacob papuntang kotse. Pupunta kase sa Ospital..

Di din nagtagal ay nakarating nakami roon at kitang kita ko ang tulalang istura ni james sa labas ng kwarto..

"Tol! Anong nangyare?" Paunang tanong ko.. Actually wala talaga kaming alam. Nalaman ko lang kanina na may isinugod sa ospital kasama si James kaya kinabahan kami

"Wala na sya. Wala na si Janine.." blankong sabi nya

Nagkatingin kami ni jacob na may nanglalaking mata! Puta!

"Anong nangyare!? Asaan na sya!?" Tanong ni jacob at naupo sa tabi ni james kaya nakiupo na din ako sa kaliwa nya

"Pinatay sya. Nasa morgue na sya ngayon.. Di ko kilala kung sino. Pero may hinala na ako kung sino ang may gawa non.. Tignan nyo to.." may binigay sya saming pulang papel kaya kaagad naman namin binasa..

"Putcha! Tol! Bakit hindi mo binigay sa pulis!? May ebidensya kana!" Sigaw ko at tumango rin si jacob sa sinabi ko

"I didn't do. Baket? Napuno na ng finger prints ko. Halos mayukot ko na nga sa galit ko kanina yan eh.." tumango naman kaming parehas ni jacob.. Sabagay..

"Pero dre.. Sino naman hinala mo? At ano to? P? Kilala mo ba?" tanong ni jacob

"I think its patrick. Dre! Nakita ko na sya kanina! Tang*na! Kinausap nya si kylie! Dana muntik na yun.." naiinis na sabi nya..

"Patrick? Diba yun yung sinabi ni Kenji bago sya barilin ni jacob?" Sabi ko at tumango naman sya

"Oo yun din sinabi na pangalan ni kylie eh.. Dre.. mag-iingat kayo ha? Sa tingin ko may plano na ang gagung yun! Basta! Magiingat kayo! Ako ng bahala kay kylie at mikaelle.. Sinabi naman din nyang hindi nya ko sasaktan.. Puta! Bakit dinamay pa nya si janine!?" Naiiyak na sabi ni james.. hindi nalang namin sya kinibuan ni jacob..

Tumayo muna ako at tumingin sakanila..

"Mga tol.. Lalabas lang ako.. Magyoyosi muna ko don." Sabi ko

"Dre! Magiingat ka!" Sabi ulit ni james.. Di ko maiwasan mapangisi sa kabila ng mga nangyari.

"Oo naman no! Walang mangyayare sakin! Mapapatay ko sumugat sa gwapo kong mukha!" Sabi ko at nagmister pogi post pa! Hahaha

"Tangna mo! Alis ka na nag rito!" Inis na sabi ni jacob at tinulak tulak pa ako..

Lumabas na ako sa ospital at nagsindi ng yosi at tumingin sa mga dumadaan na sasakyan..

Ano naman kaya ang plano ng shokoy na yun? Dana! Dapat pala tinanong ko kung anong itsura para alam ko kung panget ba o gwapo pa din ako! Sus... Mapanget lang pala yon. Bakla pa yata eh..

"Lalim ng iniisp natin ah?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng may tumabi sakin!

Lumingon ako sakanya at mukha naman wala syang gagawing masama dahil komportable pa itong nakasandal sa pader.

"Oo eh.." tipid na sabi ko habang pinakikiramdam sya para kung umatake sya ay maalarma ako

"Hmmm.. Sabagay. Sino nga naman mapapaisip kung sinong may gawa non no?" Tinignan ko sya ng masama at pilit pinapakalma ang loob ko. Tumawa naman sya ng nakakainis "Easy brad. Ano bang iniisip mo? Diba napapaisip ka rin kung sino may gawa ng nangyare kung sino man inaalala mo sa loob? Kaya nga nasa ospital sya kase may nangyare diba? Hahaha" Iniwas ko ang tingin ko sakanya.. May punto sya.. Di nga naman nasa ospital kung walang nangyare.. Putcha! Napaparanoid na din ako katulad kay james!

BOOK1: I'm Inlove With A Snob GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon