Chapter 8

1.8K 40 0
                                    

Nagsuot na ako ng mas maayos kaysa sa dress. Pinasuot niya sa akin yung extra niyang bota dahil maputik ang dadaanan namin. Nakasuot na siya ngayon ng sumbrero, long sleeve na pantaas at nakamaong parin. Kung ganito lang ang magbubukid, lagi na siguro ako nandito. Teka, ano raw?

Minsan lang ako nakakapunta sa bukid pag dumarating lang sila Mom at Dad. Wala rin akong interes dati sa mga ganito. Pero, ngayon ko lang na-a-appreciate ang ganda ng tanawin.

"Shit!" I cursed. Muntikan na kasi ako madulas. Buti na-balance ko ang sarili ko.

"Hold me." Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Inilalahad niya pa yung braso niya. Pero, siya na mismo nagpakapit ng kamay ko sa braso niya. This is awkward! "So, ito yung pinaayos sa akin ni Dad kahapon." Turo niya sa palayan.

Tumango nalang ako at tumuro nanaman sa isang palayan.

"Lupa ni Silvestri yan. Pero, ako na ngayon ang nangangalaga dahil wala namang ibang papansin diyan kundi ako." Hindi ko alam na may palayan ang isang yo'n. "Yung mga puno ng mangga, matagal na raw yan dito."

Sumilong kami sa isang puno habang siya ay umakyat para kumuha ng mangga. Pagkababa niya ay may hawak siyang hilaw at hinog na mangga. Dahil mahilig ako sa sweets ay pinili ko yung hinog.

"Ikaw na magbalat." Tumango siya saka binalatan yung mangga. Nang ibigay niya sa akin 'to ay nagkalat na yung katas sa kamay ko. Pagkakagat ko ay umagos sa labi ko pababa sa leeg ko.

Nakita ko pa ang pagtitig niya sa akin pero agad din siyang umiwas ng tingin.

"Argh! Ang lagkit." Iritang sabi ko. Para akong bata kung kumain.

"Here," abot niya ng bimpo niya. "Madadaanan natin ang falls mamaya. Do'n kana maghugas." Tumango nalang ako.

"Wala ba kayong kabayo rito? It's a hacienda, right?" Ngumisi siya.

"Meron. Kaso, ginagamit ng ibang tauhan namin yo'n para mas mapabilis ang gawain. Saka mas magandang lakarin 'to para mas ma-appreciate mo yung ganda." Saka siya ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang epekto sa akin ng lalaking 'to.

"Masakit na ang paa ko." Reklamo ko saka naupo sa malaking bato. I heard him sighed. Nabigla pa ako nang nag-squat siya pero nakatalikod saakin.

"Sakay."

"Huh?"

"Sumakay ka sa akin." Biglang may namuong senaryo sa aking isipan. Shit! Why are you green minded, Sarr? "Hindi mo ba alam ang piggy-back ride?"

"Alam ko. Pero wag na. Nakakahiya." Pero hindi parin siya umaalis sa harapan ko.

"Nangangawit ako kakahintay." Wala na akong ginawa kundi bumakay nalang sakanya. Nang tumayo siya ay mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanya. "Papatayin mo ba ako?"

"A-ayusin mo kasi! Ihuhulog mo 'ko e!" Sigaw ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang nairita siya sa pagsigaw.

"Hindi naman kita hahayaang mahulog, Sarr." Makahulugang sabi niya kaya napangiti ako ng mapait. What now? Nasaktan ka ro'n, Sarr?

Nakita ko ang pawis na tumutulo mula sa noo niya. Kaya naisipan kong punasan siya gamit ang bimpo. Namalayan kong may katas pala yo'n ng mangga kaya napakagat ako ng labi ko.

"Malapit na ba yung falls?" Tanong ko.

"Yeah. Naririnig mo na ba yo'n?" Mas lalo akong na-excite. Kaya ako na mismo ang umalis sa pagkakabakay sa kanya.

"Mapatid ka!" Sigaw niya. Pero patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa bumungad sa akin ang falls. Napakaganda tingnan. Lalo na yung tubig, ang linaw.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon