Chapter 42

1.3K 27 0
                                    

Pinilit ni Hanz na tumayo kahit ayaw niya pang iwan si Sarr. Pero, kailangan niya para sa pupuntahan niya. Hinalikan niya ito sa labi saka nag-iwan ng mensahe. Sinalubong siya ni Ingrid sa labas ng condominium at isang ngisi ang bungad nito.

"Naka-score ulit?"

"Gago. Three points na ah." Naghalakhakan sila. "Anong sabi ni Rinsaki?" Sabay silang naglakad patungo sa parking lot at sumandal sa kanya-kanyang kotse.

"Nakilala na niya." Parehas silang nag ngisian. "Maliban sa katarantaduhan ng magulang, kasama rin pala yung nanay ng yogurt mo."

"What the actual fuck?" Natatawang tanong ni Hanz kay Rinsaki. "As in Starry Sartorius?" Tumango naman si Ingrid bilang sagot.

"We didn't expected that, too." Sabi ni Ingrid. "Her first victim was Brianna Ortigas, kaya nang mapatay niya yo'n ay inangkin niya na ang sindikato ng Ortigas. Great, isn't it? Kaya nauutusan niya yung dalawang anak nito."

"Damn, bitch." React ni Hanz habang tinitignan yung mga impormasyon. "Kasalukuyan niyang hawak yo'n?"

"Obviously." Sagot nito. "Buti nga at napilit ko si Rinsaki." Natawa ng marahan si Hanz at umiling.

"Ayo'n pa? Basta kapalit ang pera." Iiling-iling na sabi ni Hanz. Tinignan niya ang kanyang orasan. "Pupunta pa ako sa conference. Narinig ko kasi nando'n si Starry."

"Jackpot!" Nakangising sabi ni Ingrid. "Sana mahuli na lahat. Marami pa akong ibang kaso pero dahil kaibigan kita. Ikaw inuna ko." Napairap si Hanz.

"Ipapalit mo na ba ako kay Ara, Ingrid?" Nang-aasar na sabi ni Hanz kaya pinakita ni Ingrid ang middle finger niya.

"You wish, bro." Nagtawanan ulit sila. "Sige pala. Text me or call me, so I can send some of my team."

"It's okay, Ingrid. I am the mayor. They got their eyes on me." Hanz said then winked at him.

Sabay silang umalis pero magkaiba ng daan. Mabilis na pinatakbo ni Hanz yung sasakyan niya dahil malapit na siyang ma-late. Hanggang sa makarating siya at saktong pagdating niya ay nagsisimula na sila. Pinalibot niya ang kanyang paningin at nakita niya kaagad si Starry. Tumiim ang kanyang bagang at nanatiling binabantayan ito. Smiling while the others are screaming in pain? What a fucking bitch! Sigaw niya sa utak niya.

"Ladies and Gentleman, let me represent to you the parties that will be held this January!" Pumalakpak siya at pasimpleng lumalapit sa pwesto nito. Nang may dumaan na waiter ay kumuha siya ng wine rito at isinuklay ang kanyang daliri sa kanyang buhok.

"Hey, Mister Mayor." May babaeng lumapit sa kanya at humaplos sa kanyang dibdib. Nagtiim bagang siya nang sumagabal pa ito sa plano niya. "Don't ya remember me?" Mapang-akit nitong tanong.

"No." Malamig na sabi ni Hanz at nginitian 'to ng peke.

"Ako yung nurse na-"

"Sorry, I'm not interested." Sabi ni Hanz at parang nagulat pa yung nurse. "Excuse me." Umalis siya sa harapan nito at huminto malapit kay Starry. Nakita niyang binulungan nito ang isang tauhan niya at tumango ito bago umalis.

Sa kalagitnaan ng conference ay biglang nagmensahe si Sarr. Napunta ro'n ang atensyon niya hanggang sa hindi niya namalayang nawala na si Starry. Halos mapamura siya kaya nagmadali siyang pumunta sa exit kaso nakita niyang may mga bantay do'n.

"Mayor Hanz, the conference is still on-going." Nagtiim ang kanyang bagang sa sinabi nito.

"I just want to go in the bathroom." Nakangising sabi niya.

"The bathroom is right over there, Sir." Turo no'ng nagbabantay.

"Where?" Paguulit nito. Nang itaas nito ang kamay niya para tumuro ay agad na pinilipit yo'n ni Hanz at hinulog sa hagdanan. Bago pa makapag-radyo yung isa ay sinipa niya ang paa nito at sinuntok sa mukha. Tumama ang likod nito sa pader saka niya sinipa ulit 'to sa mukha. Pinulot niya yung radyo at tumutunog yung nasa kabilang linya.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon