Chapter 11

1.6K 41 0
                                    

"Ngayong alam na ni Silvestrine na ikaw ang girlfriend ng kapatid niya. Anong gagawin mo, aber?" Tanong ni Ara mula sa kabilang linya.

"Hindi ko alam. Gusto ko sana munang bumalik ng Tarlac, kaso may proyekto pala ako rito." Bwisit. Paano ko ba lalayuan ang lalaking yo'n? Isang dahilan na gusto kong layuan siya dahil siya ang magiging dahilan ng pagkagulo ng utak ko.

"Nako, akala ko hindi ka aalis hangga't hindi pa sila nakakakuha ng tikim ng ganti mo!" Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Ang corny mo. Nakukuha mo nanaman yan sa mga lines mo sa movie." Umirap ako habang tumatawa.

"Tse! Gano'n talaga ang mga gawa ng pinoy. Revenge and sampalan! Ganern!" Mas lalo akong natawa. "Pero, yung totoo? Ano gagawin mo?"

"Alam mo na yo'n." Madali lang naman. Basta siguraduhin lang ni Hanz na hindi siya haharang sa plano ko. Makakatikim talaga ng suntok yo'n mula sa akin.

"Sige! Babush na!" Then she ended the call.

Nahiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata.

"Sartorius ka, Selrom siya. Alam mo naman kung gaano katindi mag-away yan noong panahon diba?" Sabi ni Mom habang kausap ko sa cellphone. Tumutulo pa luha ko at panay singhot pa.

"A-anong gagawin ko? Ayokong mawala siya!" Iyak ko lalo.

"Anak, wag mong ulitin ang nangyari noong nakaraan. Gawin mo ang dapat. Sundin mo ang pasya niya kung mahal mo talaga siya." Humagulgol pa ako lalo. Masyado pa akong bata para problemahin ang ganito. "Ano bang sabi niya?"

"Isa sa amin ang mamamatay, Mom. Natatakot ako. Umuwi na kayo. Please." Halos magmakaawa ako kay Mom pero isang buntong hininga lang ang ginawa niya. "I want us to stay alive!"

"Anak, layuan mo siya." Nanlamig ako lalo sa sinabi niya. "Ayon ang tanging paraan. Layuan mo siya." Nahulog ko ang cellphone ko at tuluyan nang umiyak.

Bakit ako lalayo sa kanya? Ano naman ang mapapala ko kung lalayo siya?

"Sarr, ayokong layuan mo ako. Wag mo 'kong iiwan hanggang matapos ang araw na 'to." Isang ngiti ang pinakawala ni Silvestri at niyakap ako ng mahigpit.

Pero, unti-unti akong nawawalan ng hininga kaya pwersa ko siyang tinulak palayo. Pero, imbes na si Silvestri yo'n ay si Hanz ang bumungad sa akin.

"Lumayo na tayo..." halos pabulong niyang sabi.

Nagising ako nang maramdaman kong ang lamig katawan ko. Namalayan kong nahulog ako sa kama at alas-tres na pala ng umaga. Kinuha ko ang jacket ko at bumaba para uminom ng tsaa.

Napangisi ako sa napanaginipan ko. Bakit nasama si Hanz do'n? Walang anu-ano'y napangiti ako. Parang tanga, Sarr.

"Had a nightmare?" Nagulantang ako nang magsalita si Josh sa gilid ko. "Sorry to scare you. Hindi rin ako makatulog."

"Yeah." Sabi ko. "Ba't hindi ka makatulog?"

"I keep on dreaming what happened in the past. The bloods, the people crying in pain..." napangiti ako nang mapait. Alam kong na-trauma ang kapatid ko noong bata palang siya. Harap-harapang pinapatay ang tao sa harapan niya at mismong kapamilya namin ang pumapatay.

We're the oh-so-called-family-killer in this province. Halos maging impyerno ang lugar na 'to sa kapanahunan nila Mom. Marami pa akong hindi nalalaman, pero kailangan kong alamin yo'n.

Nag-inat si Josh, "But this place kinda peaceful for me now." Ngumisi siya. "Paniguradong gugulo nanaman."

"At bakit mo naman nasabi yo'n, Josh?" May chess board sa gilid niya at inayos niya pa yo'n.

"The murder six years ago. The girl who got accused came back. Met the brother of her ex. The father got mad. The mother's planning something evil again. And, the girl came back for a revenge. And this man," tinumba niya ang isang poon. "Fighting for love. But, no one believes it."

"Wow! Great prediction!" I said then slowly clapped my hands. "Paano mo naman nasabi yan?"

"When a girl came back for a revenge. There's probably a man ready to sacrifice his life." I rolled my eyes.

"Wala ng magsasakripisyo ngayon, Josh." Bitter kong sabi. "Sasabihin ko lang sa lahat ng tao rito na hindi ako ang pumatay at ang mayor at ang asawa nito ang may kagagawan."

"Then, why did you get attached with him, Sarr?" Nanatili akong nakatitig sa kanya. "Revenge is revenge. Walang nakapaloob sa paghihigante ang pagmamahal ng bago. Kung ayaw mong may magsakripisyo ulit. Layuan mo siya." I laughed sarcastically.

"Do I look like attached to him, Josh?" Umiling nalang siya.

"Just wait, Antha." Nabwisit ako nang sabihin niya ang ayaw kong pangalan. Tinalikuran niya ako. Tinumba ko ang chess board at ikinuyom ang kamao.

"Wala akong pake sa nararamdaman ng lalaking yo'n!" Iritang sabi ko.

Pero, kailangan kong pagpasyahan kung lalayo ba ako sa kanya o hindi. Fuck! Tama si Josh.

Biglang tumunog cellphone ko. Akalain niyo yo'n. May magtetext sa akin ng ganitong oras.

Unknown: Architect, this is Hanz. Let's meet right now. I know you're not sleeping. Sa plaza malapit sa inyo.

Gosh! I'm trying to sleep, Hanz! Dahil hindi rin naman ako makatulog kaya pumunta nalang ako. May lalaking nakatayo at nakasandal sa isang pader habang ang cellphone ay hawak-hawak.

Pagkalapit ko ay sumilay kaagad ang gwapo niyang mukha. Pagkatayo niya ay halos hindi ko siya matitigan sa mata. Mukhang nai-stress na siya.

"Tanga ko," panimula niya. "Bakit hindi ko naisip na ikaw ang girlfriend ng kapatid ko." Natawa siya pero hindi para ako nagsasalita.

"Hindi mo kasalanan yo'n. Hindi ko rin naman sinasabi." Tumalim ang tingin niya.

"So, may balak ka talagang itago 'to sa akin? Paano kung nahulog na ako sa'yo nang tuluyan? Tapos mahal na mahal mo pa yung kapatid ko?" Natawa nanaman siya. Alam kong napakapait na sa pakiramdam yan. "Kaya ba tinatanong mo kung nakipag-sex na ako sa ibang babae dahil ikaw ay nagalaw na ng kapatid ko?" Agad na uminit ang ulo ko. Sinampal ko kaagad siya ng malakas.

"Our relationship were serious. Pero, hindi namin naisipan gawin ang bagay na yo'n. Iniisip namin kung paano namin malalagpasan ang kasamaan ng magulang niyo." Galit kong sabi. Pinipigilan kong sumigaw dahil paniguradong may makakakita sa amin.

"Tangina." He cursed. "Bakit ako nagseselos sa patay? Sarr, fuck! Anong ginawa mo sa akin?"

"Hindi ko alam." Malamig kong tugon. "Kakakilala palang naman natin sa isa't-isa."

"Sarr, manhid ka ba?" Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang pinapahiwatig niya. "Mahal mo pa ba ang kapatid ko?"

Sa tanong niyang yo'n ay agad din akong napaisip. Is this fight still worth it? Am I still fighting for us? Or fighting just for myself? Kaya kong takasan ang lahat ng ito, pero naaawa ako. Naaawa ako kay Silvestri na namatay siya dahil sa akin.

Nang magtama ang mata namin ni Hanz ay hindi ko mapigilang mapaluha.

"I'm still fighting for Silvestri, for us. I pity him. Pero hindi ko na alam." There! You said it now, Sarr!

Tinalikuran ko siya. I know turning my back wasn't the best decision. Maybe, I just can't move on right now. Not now.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon